Archive for the 'Mula sa Pinilakang Tabing' Category

Presenting the 2008 MMFF entries

Gaya ng nakagawian noong mga nagdaang taon, tuloy pa rin ang pagpapalabas ng Metro Manila Film Festival ng mga pelikulang sariling atin. Gayunpaman, sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng MMFF,  isang digital animation film ang napasama sa mga aabangang entries.

Para bigyan kayo ng patikim ng mga kalahok sa 34th Metro Manila Film Festival, hayaan n’yong bigyan ko kayo ng buod ng bawat pelikula… Unahin na natin ang digital animation film.

Anna and Buby of Dayo

Anna and Bubuy of Dayo

Pinamagatang Dayo, umiikot ang kwento sa pakikipagsapalaran ng batng si Bubuy (boses ni Nash Aguas) para masagip ang kanyang nawawalang lolo at lola mula sa mga kakaibang nilalang sa lupain ng Elementalia. Dito masasaksihan kung papaano harapin ng isang paslit ang kanyang mga takot at magawang pagtagumpayan ang bawat pagsubok. Bubuhayin din ng animation na ito ang mga Filipino mythological characters gaya ng tikbalang at manananggal.

Ang Dayo ay nilikha ng higit sa 500 artists nationwide. Ito ay produkto ng pagsasama ng 2D at 3D technologies sa ilalim ng pangangasiwa ng Toon Boom. Kung tutuusin muntik nang hindi makasali sa MMFF ang pelikulang ito. Salamat sa pagpupursige ng Cutting Edge Productions at nagawa pa nitong makahabol.

Dumako naman tayo sa nag-iisang horror entry. Ang Shake, Rattle and Roll X. Ayon sa Regal, mas magiging kakila-kilabot ang isang ito dahil sa  “fresh horrific stories” at “Hollywood-style visual effects” na ginamit sa bawat episode.

cast of Shake Rattle and Roll X

cast of Shake Rattle and Roll X

Gaya ng dati nahahati pa rin sa tatlo ang Shake, Rattle and Roll X . Una ang Emergency na pinagbidahan ni Mylene Dizon.  Ang kwento ay tungkol sa isang buntis na nasagasaan ng isang rumaragasang ambulansya. Nawala ang dinadala ng babae at dahil doon ay binalak niyang gumanti. Nagkataong hindi pala ordinaryong tao ang babaeng buntis kundi isang aswang. Kaya naman, isa-isang namamatay ang medical staff ng ospital.

Sa pangalawang episode naman na pinamagatang Class Picture  matutunghayan si Jean Garcia bilang isang madre na isinumpa ang class picture ng kanyang section noong 1898. Natuklasan ito ni Joy (Kim Chiu) habang naghahanda ng isang exhibit. Sa larawan, nasa gitna ang madre habang may limang estudyante sa kanyang kanan at dalawa lamang sa kanyang kaliwa. Kailangan niyang pumatay ng tatlo upang mabalanse ang larawan. Sa pamamagitan noon ay matutupad ng madre ang kanyang pangako sa Mother Superior na makukumpleto ang kanyang klase.

Tampok naman sa huling episode na Engkanto si Marian Rivera bilang si Nieves, ang sikat na Engkanto Slayer sa kanilang baryo. nang magkaroon ng mga di-maipaliwang na mga pag-atake sa kanilang lugar, nakipagsanib-puwersa siya sa iba pang slayers para mailigtas ang kanyang mga kababayan.

Hindi makukumpleto ang  MMFF kung walang mga entries sa drama at comedy. Kaya eto na sila…

AiAi delas Alas as Ina

AiAi delas Alas as Ina

Mula sa Star Cinema, muling nagbabalik ang kinagigiliwang Ina ng bayan, si AiAi  delas Alas sa pelikulang Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Sa pagkakataong ito lalong sasakit ang tiyan ninyo sa kakatawa dahil pati Malacañang ay papasukin na ni Ina. Sa kwento, pumasok bilang chambermaids sa palasyo si Ina at ang kaibigan niya hanggang di-sinasadyang matuklasan nila isang araw ang plano sa buhay ng pangulo. Dahil doon, natagpuan na lamang ni Ina ang sarili sa makapangyarihang posisyon sa bansa.

Tito, Vic and Joey in Iskul Bukol

Tito, Vic and Joey in Iskul Bukol

Miss nyo na ba ang Escalera brothers? Well, reunion movie ito nina Tito, Vic and Joey matapos ang halos dalawang dekada na hindi pagsasama-sama sa pelikula. Ang Iskul Bukol: 20 years after. Magsisimula kakatuwang adventures nang may matuklasan si Vic Ungasis (Vic Sotto), History professor sa Wanbol University, na misteryo sa Kali ni Humabon at Kampilan ni Lapu-Lapu. Nagkataong ang Kampilan ay nnasa kamay ng mayamang Hapon na si Shimata na may interes sa Peseta (parte ng Judas’ silver na nagbibigay ng walang hanggang buhay sa sinuman mag-may ari nito). Napag-alaman ni Victor na kapag pinagsama ang Kali at Kampilan ay ituturo ng mga ito ang direksyon kung nasaan ang peseta. Nang magtungo si Victor sa Cambodia, lalong dumami ang mga bagay at misteryong kanyang natuklasan sa peseta. Hanggang sa ang mga buhul-buhol na sitwasyon ay naiugnay na rin sa pagtatago ng Escalera brothers kay Shimata. At sama-sama nila hinarap ang mapanganib na paghahanap sa peseta.

Kung nagbalik ang Escalera brothers at si Ina, nagbabalik din ang mga nagagandahang kababaihan, ang Desperadas 2. Ngunit ngayon may nadagdag sa grupo. si Ogie Alcasid! Gaya ng dati, halos ganoon pa rin ang sitwasyon ng mga

Main characters of Desperadas 2

Main characters of Desperadas 2

bida. Yun nga lang, si Courtney (Marian Rivera) ay nagkakaroon ng dilemma kung dapat ba siyang magbuntis o ipagpatuloy ang kanyang fashion career. Habang si Patricia (Rufa Mae Quinto) naman ay naniniwalang natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ng isang gwapong congressman. Makulay pa rin ang buhay ng apat at lalo pa itong naging makulay ng dumating sa eksena ang matagal na nilang nawawalang kapatid si Luga Luda (Ogie Alcasid). Abangan kung papaano nila tatanggapin ang mga pangyayari.

Magtungo naman tayo sa drama. Kung pambato ng Desperadas 2 ang nagagandahan nilang mga bida, hindi naman papahuli ang One Night Only. Tampok sa pelikulang ito ang mga kaakit-akit na bituin na sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Alessandra da Rossi. Magkakaiba ang kwento ng limang bida ngunit lahat ay may koneksyon sa isa’t isa. Magtatagpi-tagpi ang mga ito nang mauwi silang lahat sa iisang lugar- ang Lover’s Hideaway motel. Gumanap si Katrina H. bilang Jasmine, isang

Main characters of One Night Only

Main characters of One Night Only

babaeng mukhang pera na nagbabalak mangibang-bansa kasama ang kanyang Chinese boyfriend. Si Alessandra dR. naman ay gumanap bilang si Angela, isang extra sa pelikula na pinagnanasaan ng isang hunk actor na si Diego. Samantala, si Valerie C. naman bilang Vicky ay nais muling maka-date ni Pons ang kaibigan ni Diego. Ngunit, dahil pinagsisihan ni Vivian (Diana Z.) ang di pagsama noon kay Pons, balak niyang gumawa ng paraan para muli itong makasama. Sa kabilang banda, sa set ng pelikulang pag-eextrahan ni Angela, naroroon si Elvie (Jennylyn M.). Sa gabing yun, makikipaghiwalay sa kanya ang  ka-relasyong tomboy na supervisor ng mga talents. Sa loob ng 12 oras, maraming mangyayari sa mga bida na tatak nang husto sa kanilang utak at pagkatao.

Sa pelikulang Magkaibigan ay muli nating masasaksihan kung papaano bihagin ni Sen. Jinggoy Estrada ang puso ng

Main characters of Magkaibigan

Main characters of Magkaibigan

mga manonood sa kanyang pag-arte. Base sa kwento ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez, ang pelikula ay tungkol sa pagkakaibigan nina Atoy (Christopher de Leon) at Ruben (Jinggoy Estrada). Mula pagkabata ay malapit na sa isa’t isa ang dalawang magkaibigan at walang nagbago doon hanngang sa sila’y magkapamilya. Dumating ang pinaka-matinding paghamon sa kanila nang malamang may pancreatic cancer si Atoy.

Anne Curtis and Jericho Rosales of Baler

Anne Curtis and Jericho Rosales of Baler

Inspired ng makasaysayang Siege of Baler, ang pelikulang Baler ay tungkol sa pag-iibigan ng isang dalagang Filipina na nagngangalang Feliza Reyes (Anne Curtis) at ng sundalong Spanish-Filipino na si Celso Ressurrecion (Jericho Rosales). Naging lihim ang pag-iibigan ng dalawa dahil anak si Feliza ng pinuno ng mga rebelde ng mga panahong iyon. Gayunpaman, nanatiling matatag ang pagmamahalan ng dalawa at dumating sa punto na iniwan ni Celso ang mga kasamahang sundalo para lamang makapiling si Feliza. Ang kwentong ito ay magpapaalala rin sa atin sa mga kaganapan sa kasaysayan ng bansa.

Tunay ngang natatangi ang Metro Manila Film Festival sa taong ito. Di gaya ng dati, lahat ng mga pelikula ay sabay-sabay na ipapalabas sa mga sinehan sa Disyembre 25. Samantala, magaganap naman ang awarding ceremonies sa Disyembre 27, sa Harbor Garden Tent, Sofitel Phil. Plaza.

Sources: MMFF micro-site (http://www.pep.ph/mmff/index.html) and Dayo official site (http://www.dayomovie.com)

2007 MMFF: Fearless Forecast (Part 3)

(References: clickthecity, pep.ph, journal.com, sureseats.com, bomboradyo.com, smcinema.com) 

To complete the fate of the nine entries for the MMFF, let me give you the last set that will be showing on January 1.

Desperadas

Produced by: Regal Entertainment
Director: Joel Lamangan
Main Cast: Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado and Marian Rivera
Plot: Ang pelikula ay patungkol sa apat na magagandang magkakapatid at sa kanilang mga isyu at problema sa pamilya at love life. Sinasalamin ng pelikulang ito ang katatagan ng mga kababaihan sa kabila ng mga pagsubok.
Strengths: The story empowers women; hottest stars
Possible Weak Points: Exaggerated comedy scenes; poor transition
To watch out for: The leading man hunks of the four characters; the dramatic and comedy scenes of Rufa Mae Quinto
*** Tiyak na maraming Marimar fans ang manonood nito at alamin kung magaling din bang umarte si Marian Rivera sa pelikula. Tumatakbo rin para sa Best Picture ang pelikulang ito.

###

Anak Ng Kumander
Produced by: MP Productions
Director: Jose Balagtas
Main Cast: Manny Pacquiao, Ara Mina, Valerie Concepcion Manny Pacquiao & Valerie Concepcion
Plot: Ito ay kwento ng isang rebelde na naipit sa gitna ng awayan ng kapwa rebelde at militar. Si Manny na gumaganap bilang bida ng pelikula ay kasintahan ni Valerie Concepcion na isa ring rebelde sa kwento. Gayunpaman sa gitna nang mainit na labanan ay nakilala niya si Ara Mina na ginagampanan ang papel ng isang reporter.
Strengths: Sexy stars in leading roles
Possible Weak Points: Monotony of scenes
To watch out for: If they included the controversial kissing scene of Manny and Valerie.
*** Para sa mga umaasam na makita ang kissing scene, malamang papanoorin nila ito gayundin sa mga tagahanga ni Pacman. Pero, hindi ito nangangahulugan na malaki na ang pag-asa ng pelikula na humakot ng awards.

###

Banal

Produced by: Conguild Productions
Director: Cesar Apolinario
Main Cast: Christopher de Leon, Alfred Vargas, Paolo Paraiso and Paolo Contis
Plot: Nakasentro ang kwento sa isang SWAT trainer at sa planong pagpatay sa Santo Papa sa kanyag pagbisita sa Pilipinas.
Strengths: Story based on real life events; Good actors in cast
Possible Weak Points: Amateur director + veteran actors = possible failure
To watch out for: How the big budget for this film was spent. Special effects? Costumes?
*** Huwag maliitin ang pelikulang ito dahil hango ito sa tunay na buhay. Baka magulat na lang ang lahat dahil ito pa pala ang hahakot ng awards.

 Kaya para sa mga wala pang plano ngayong darating na Pasko at Bagong Taon, punta na sa mga sinehan at suportahan ang mga pelikulang Pilipino. 🙂

2007 MMFF: Fearless Forecast (Part 2)

(References: clickthecity, pep.ph, journal.com, sureseats.com, bomboradyo.com, smcinema.com) 

Since naibigay ko na ang maaaring maging kapalaran ng tatlong pelikula na ipapalabas sa December 25, alamin na rin natin ang sa tatlo pa na showing din sa parehas na araw.

Shake Rattle and Roll 9

Produced by: Regal Entertainment
Director(s): Paul Daza, Michael Tuviera, Topel Lee
Main Cast: Dennis Trillo, Roxanne Guinoo, Pauleen Luna, Katrina Halili, Matt Evans, Melissa Ricks Mart Escudero, Sam Concepcion, Lovi Poe, John Prats, Nash Aguas, Boots Anson-Roa, and Tonton Gutierreza scene from Shake Rattle and Roll 9
Plot: (First Episode: Christmas Tree) Ummiikot ang kwento tungkol sa pagbabakasyon ng isang pamilya sa kanilang ancestral house. Habang maligaya nilang ipinagdiriwang ang Pasko, wala silang kaalam-alam na nakamasid sa kanila ang Christmas Tree at naghihintay lamang ng pagkakataon para gawin silang masarap na hapunan.
(Second Episode: Bangungot) Ang ikalawang bahagi naman ay tungkol sa isang kwento ng pag-ibig. Nakasentro ang kwento sa dalagang labis na umiibig sa isang napaka-seryosong binata na nakatakda nang magpakasal. Nang magpasya na ang dalaga na kausapin ang kanyang minamahal, saka naman sumulpot ang isang nilalang na nagkulong sa kanila sa isang matinding panganib.
(Last Episode: Engkanto) Isang banda ang papunta sa malayong probinsya para sa kanilang gig nang di inaasahang mawala sila sa kagubatan. Nakipanuluyan sila sa isang abandonadong resort nang walang kaalam-alam na pag-aari pala ito ng isang engkanto.
Strengths: The fusion of the hottest teen stars from the two big television networks.
Possible Weak Points: Lack of ‘fear factors’ in the stories
To watch out for: How the tempting engkanto Katrina Halili will scare the audience and fascinate us at the same time with her (hopefully) sexy costume; Nash Aguas’ another attempt for the Best Child Actor award
*** Dahil hindi gaanong nakakatakot ang Shake Rattle and Roll 8, malamang na mabawasan ang tumatangkilik sa pinaka-mahabang horror series sa bansa. Pwedeng bumaba ang rank nito sa box office lalo pa at matitindi ang mga kasabayan nito sa December 25. Although, baka masungkit pa rin naman ni Nash Aguas ang Best Child Actor at may pag-asa pa rin naman ang pelikula na makuha ang Best Festival Float.

###

Bahay Kubo
Produced by: Regal Entertainment
Director: Joel Lamangan
Main Cast: Maricel Soriano, Eric Quizon, Marian Rivera, Shaina Magdayao, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rayver Cruz, Eugene Domingo, Bearwin Meily, Jiro Manio, Isabella de Leon, Rita Iringan and Gloria Romero
Plot: Ang Pinoy version ng “Mano Po”, ang pelikulang ito ay inspired ng mga karanasan ni Mother Lily noong siya’y nasa Marinduque pa.
Ito ay tungkol sa mag-asawa na maraming mga anak ngunit isa lsa mga ito ang talagang galing sa kanila. Ipapakita rito ang sibling rivalry ng mga anak nina Maricel at Eric. Hanggang sa darating din sa punto na lilitaw ang mga tunay na magulang ng kanilang mga ampon at igigiit ang kanilang karapatan sa mga bata.
Strengths: All-star cast; Very “Pinoy” storyline; Family-oriented
Possible Weak Points: Probable existence of too much heavy dramatic scenes losing the essence of the story; ‘Sapawan’ of the actors and actresses in the scenes
To watch out for: Unforgettble lines coming from Maricel Soriano and Eric Quizon; Touching scenes
*** Dahil sa lead role sina Maricel at Eric, malamang na papatok ang pelikulang ito. Tulad ng “Mano Po”, inaasahang hahakot ito ng awards at yayanigin ang ibang kalabang pelikula. Mahigpit nitong makakalaban ang entry ng Star Cinema sa mga awards na Best Picture at Best Actress. Si Eric Quizon naman ay malamang na makalaban si Christopher de Leon sa Best Actor.

###

Katas ng Saudi

Produced by: Maverick Films
Director: Jose Javier Reyes
Main Cast: Jinggoy Estrada, Lorna Tolentino, Ravyer Cruz, Shaina Magdayao, Julian Estrada,Eugene Domingo, Bayani Agbayani, Dick Ysrael, Vangie Labalan, and Liza LorenaCast of Katas ng Saudi
Plot: Mula Saudi, nagbalik si Oca (Jinggoy) sa Pilipinas para magsimula uli. Pero, ibang tahanan ang nadatnan ng bida. Walang gaanong nagbago sa kanilang pamumuhay sa kabila ng pagsusumikap nila ng kanyang asawa at hindi pa rin siya kilala ng kanyang mga anak. Ang pagbabalik ni Oca ay humarap sa maraming problema kaya naman pinasya niyang magbalik na lang ulit ng Saudi.
Strengths: The union of drama and comedy; Family-oriented
Possible Weak Points: Poor transition; probable monotony of some actors/actresses
To watch out for: Special participation of Sharon Cuneta and Ricky Davao; Why it is Rated A.
*** Mukhang hahabol sa Best Actress award din si Lorna Tolentino. Matinding labanan na naman ito. Marami rin ng manonood sa pelikulang ito lalo na sa mga curious sa pag-arte ni Jinggoy Estrada. 

… To be continued on next entry

2007 MMFF: Fearless Forecast (Part 1)

(References: clickthecity, pep.ph, journal.com, sureseats.com, bomboradyo.com, smcinema.com)

Pasko na naman. Pretty soon the cinema houses here in the Philipines will stop showing foreign films. Why? Well, of course it’s because of the Metro Manila Film Festival.

Unlike the previous MMFF’s, this year’s festival is not dominated by fantasy and horror films (Whew! Thank goodness). Now you’ll be able to enjoy different genres and won’t be caught trapped in line in ticket booths with a bunch of whining kids.
 Six films have been pre-selected already to comprise the first set of movies to be shown on December 25Vic and Kristine Hermosa. Two of these six are entries coming from the Monteverdes namely Shake Rattle and Roll 9, and Bahay Kubo.

Well, what are we waiting for? Isa-isahin na natin ang kapalaran ng mga pelikulang ito.

Siyempre pa, unahin na natin ang anim na ipapalabas sa December 25.

Enteng Kabisote 4:Okay Ka Fairy Ko (The Beginning of a Legend)

Produced by: OctoArts Films and M-Zet TV Productions
Director: Tony Y. Reyes
Main Cast: Vic Sotto, Kristine Hermosa, Aiza Seguerra, Oyo Boy Sotto, Jose Manalo, and Joey de Leon
Plot: Gaya ng ibang banyagang pelikula, sa Enteng Kabisote 4 ipapakita ang pinaka-umpisa ng kwento nina Enteng at ng Engkantada. Dito sa pelikulang ito malamang ay masagot na ang mga tanong ninyo sa mga nakaraang Enteng Kabisote. 
Strengths: Bigger named stars like Jomari Yllana, Ian Veneracion, Ian de Leon, Michael de Mesa, Francine Prieto
Possible Weak Points: Bigger scope means longer viewing time equals probable boredome.
To watch out for: New ‘kontrabida’ (Sorry but Satana raw is OUT) and better special effects.
*** Surely, pumatok sa takilya ang Enteng Kabisote 1,2 and 3 pero uubra pa rin kaya ito sa ikaapat na pagkakataon? Mukhang nanganganib nang makuha nito ang Best Picture lalo pa at talaga namang may laban din sa kategoryang ito ang “Resiklo”

###

Resiklo

Produced by: IMUS PRODUCTIONS and IGNITE MEDIA INC.
Director: MARK A. REYES, dgpi
Main Cast: Ramon “Bong” Revilla Jr., Jennylyn Mercado, Katrina Halili, and Dingdong Dantes Resiklo

Plot: Taong 2021, sinakop ng mga alien ang buong planeta. Sa Pilipinas, isang grupo ng mga nakaligtas sa pagsalakay ang nakatuklas kung ano talaga ang pakay ng mga alien. Dahil dito, napagkasunduan nilang gumawa ng mga robot na tatalo sa mga kalaban sa pamamagitan ng mga recycled materials. At doon nagsimula ang digmaan upang masagip ang sangkatauhan.
Strengths: Big budget (meaning grand special effects) and internet presence
Possible Weak Points: Fanatics of Transformers might be annoyed of how they tried to copy the film, which means, lesser viewers.
To watch out for: Definitely the robots and the sexy costumes (if there will be any).
*** Ang pinaka-mahigpit na kalaban ni Enteng Kabisote pero maungusan nga kaya niya ito sa takilya at makuha ang Best Picture. Well, sa puspusang pag-ppromote nito sa internet at sa simpatya ng mga bata, malamang pwede.

###

Sakal, Sakali, Saklolo

Produced by: Star Cinema
Director: Jose Javier Reyes
Main Cast: Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Gina Pareño, Gloria Diaz, Arial Ureta
Plot: Sakal, Sakali, Saklolo ay ang katuloy ng Kasal, Kasali, Kasalo, ang isa sa mga top grosser na pelikula noong nakaraang taon. Sakal, Sakali, Saklolo Cast
Ipinapakita ngayon ang sa sequel ang mga karanasan nina Jed (Ryan Agoncillo) at Angie (Judy Ann Santos) ang kanilang mga karanasan bilang mga magulang. Napagtanto nila na mahirap pala magpalaki ng anak. Dumating ang punto na kinailangan nila mangibang bansa at iwan ang anak sa pangangalaga ng mga magulang at mga kaibigan. At doon na nga nagsimula ang problema.
Strengths: Due to many awards that the previous movie garnered, people will surely be looking forward to this movie. MORE VIEWERS.
Possible Weak Points: Too mushy scenes; possible korni punchlines
To watch out for: Funny scenes from Jed and Angie’s mothers; kilig moments from the real-life sweethearts; why it is Rated A.
*** Pwede pang makuha ng pelikulang ito ang Best Picture pero kalaban pa rin niya ang Enteng Kabisote gayundin ang Resiklo. Medyo mahihirapan din si Judy Ann na mapanatiling kanya ang Best Actress dahil sa presensya ni Maria (Maricel Soriano).

…To be continued on next entry


August 2017
S M T W T F S
« Jan    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 148 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 310,189 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?