Three Love Stories: February 8 – The Creation of Pluto

Previously…

“Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa nabasa ko. Di ko alam kung paano mag-rereact. Alam kong nakakaintindi siya ng Spanish but I didn’t expect that he could speak the language. I’m fine, my sweet love.”

 

Seven thirty a.m. One message received. Sender: Audrey.

“Dnt 4get 2 bring clothes 4 biking l8r. C u.🙂 “

* * *

Pagkatapos ng klase at exams agad kaming nagbihis ni Audrey. Sumama sa’min si Chynna kahit di siya marunong mag-bike. Five o’ clock na nang makarating kami sa may CCP. Nag-rent kami ni Audrey ng bike habang naupo lang at nanood si Chynna.

It’s been a long time since I last rode a bike, I whispered to myself. I missed doing this. Binilisan ko ang pag-pedal like I’m on a race. I can feel the wind blowing my hair. I love the speed. I love this feeling, like I’m running away… Freedom!

Then, I tried to drive with only one hand on control. I was able to do it. For the very first time! Wow.. kaya ko pala. I tried doing it again now with my other hand. Nagawa ko rin. Masarap sa pakiramdam. Para bang isa kang lumpo na nagawang makalakad ulit.

Then, I hit the brakes. Totally becoming aware of something. February 8 pala ngayon. A memorable date. Yes, very memorable. Because six years ago, I discovered that I’m in love with my bestfriend. Six years na pala…

Nag-pedal ulit ako. Much faster this time. Walang pakialam kung may mababangga. Then carefully, my right hand let go of the control. Napadaan ako kay Chynna. Nagyabang of my discovery. May sinasabi siya sa’kin pero di ko maintindihan. Masyado yatang mabilis ang takbo ko. Or senti lang talaga.

Bigla akong napa-preno at muntik nang sumemplang. Lintik na lalaking ito haharang-harang. Magtataray na sana ako nang makilala ko kung sino. Si X. Lagot!

* * *

I was hoping so much last night na di ko makikita si X ngayon. But here he is. Tsk! Napagkaisahan yata ako. Yup, natuloy kaming magkape. But at least kasama si Audrey at Chynna. Now we’re here at the parking lot of Star City. Katatapos lang kumain. Nagpapahinga bago umuwi.

“X, kanta ka naman…” paglalambing ni Chynna.

“Anong kanta?”

“Yung Lately

“Just the other night while you were sleeping
I vaguely heard you whisper someone’s name
But when I ask you of the thoughts your keeping
You just say nothing’s changed

Well, I’m a man of many wishes
I hope my premonition misses
But what I really feel my eyes won’t let me hide
‘Cause they always start to cry
‘Cause this time could mean goodbye, goodbye”

Maganda pala ang boses ng lokong ito. Napatingin ako sa kanya at nahuli kong nakatitig siya sa’kin.

“Isa pa X… yung Superstar naman”, pangungulit ni Chynna.

At kinanta niya naman! Uto-uto, sa loob-loob ko. Natatawa tuloy ako sa sarili ko. Patapos na niya ang kanta nang…

“I love you… I really do…” pagtatapos niya habang nakatitig sa akin. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nag-blush yata ako.

* * *

Pauwi na dapat kami nang may maisip na kalokohan itong si X at Chynna. Overnight daw kami sa Tagaytay. Trip lang. Hindi dapat ako sasama, ang kaso, sobrang gabi na rin. Mapapagalitan na rin naman ako ni Mommy kaya go na lang. So, tumawag ako at nagpanggap na makikitulog kina Audrey dahil inaatake ako ng migraine.

Mabilis lang ang biyahe papuntang Tagaytay. Nag-ordinary bus kami kaya ramdam na ramdam ang lamig. Sa bus, magkatabi ako at si Audrey. Tapos si Chynna at si X. Kaso, dahil mother figure namin si Chynna, pinalipat niya si X sa tabi ni Audrey para daw ma-protektahan kaming dalawa.

Habang nasa bus, tuloy pa rin ang kulitan. Binuksan ko ang Bread Stix at malambing na sinubuan si Chynna.  Nagtampo naman kunwari si Audrey kaya sinubuan ko rin. Kaso, humirit din si X. Nagkatinginan kaming mga girls. Tumaas ang dalawang kilay ni Chynna bilang pagpayag. Kaya ayun, sinubuan ko rin ng Bread Stix si X kahit naiilang ako.

Bumaba kami sa may SM. Hanggang doon na lang daw yung bus. Buti na lang at nakahanap kami ng taxi kaya mula doon ay nag-taxi na kami papuntang Tagaytay.

“Malayo pa ba?” tanong ni Audrey kay Chynna.

“Malapit na yan. Tulog ka na muna. Paggising mo, andun na tayo.”

Lumingon si X mula sa harapang upuan. “Ako pag natutulog, ang layo ng nararating ko. Di lang Tagaytay.”

“Talaga? Eh ako nakakarating ng Pluto. Mas malayo ka pa dun?” pagyayabang ko naman kunwari.

“Pumupunta ka rin doon? Sabi ko na nga ba! Ikaw yung nakita ko nung isang gabi noh?” pagsakay naman ni X sa kalokohan ko.

Nagkatinginan si Chynna at Audrey. Sabay pang inubo kunwari.

“Teka, nagpupunta pala kayo sa Pluto habang tulog eh bat di nyo kami sinasama?” sita ni Audrey.

“Mag-isa lang ako pumunta. May ka-appointment dapat.” palusot ko.

“Ako naman kasama ko Amasa ko” sagot ni X.

“Amasa?!” tanong nung dalawa.

“Saka ko na siya ipapakilala sa inyo. Kakakilala ko palang sa kanya sa Pluto eh” iwas ni X habang palihim na kumindat sa’kin.

* * *

Madaling-araw na pero di pa rin ako makatulog. Nasa labas pa rin ng kwarto si Chynna at X habang si Audrey, andito sa tabi ko. tulog. Or siguro nagtutulo-tulugan din lang gaya ko. Para bigyan ng moment yung dalawa.

Haaay… ewan ko ba pero gusto ko silang istorbohin.

Bakit ganun sa akin si X? Ano yun, practice para sa pagpapanggap niya na bf ko? Alam niya na kaya talaga meaning nung Amasa?

Babangon sana ako para magbanyo nang maramdamang bumukas ang pinto. Si Chynna. Nakasimangot. Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na tulog hanggang sa dalawin na nga ako ng antok.

* * *

Giniginaw ako. Ang lamig. Ano ba itong humahaplos sa pisngi ko? Bukas ba yung bintana?

I was about to open my eyes when I realized that X was in front of me. Anong ginagawa niya? Teka, asan ba yung dalawa? Nakiramdam ako.

Nasa tabi ko pa rin naman si Audrey. Si Chynna, di ko alam. Pero si X, eto… nakatunghay sa akin at hinahawi ang buhok ko.

Shocks…

“Gising na!” At naramdaman ko ang tapik sa aking balikat.

Dumilat ako. Nasa harap ko pa rin si X at katabi na niya si Chynna. Ayun, nanggigising na ang dalawa sa amin ni Audrey.

“Good morning. Kiss ko?” bati sa’min ni X.

“Eh kung kamao ko kaya halikan mo?” paninindak ni Chynna.

Tatawa-tawa lang si X. Bumangon na kami ni Audrey at naghanda na kaming lahat na umalis. Five thirty na ng umaga. May klase pa kami ng 9:00am. Kailangan nang magmadali. Terror pa naman prof. namin sa subject na yun.

To be continued…

1 Response to “Three Love Stories: February 8 – The Creation of Pluto”


  1. 1 winningquitter February 28, 2009 at 10:29 am

    ohwell…in love kay bestfriend. sana’y alam ni bestfriend ang tungkol sa ginawa ni X. can’t wait sa moments ni bestfriend at ni Jane.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




February 2009
S M T W T F S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 148 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 300,902 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?