Three Love Stories: Texting Amasa and Ai

Previously…

Ano nga bang nagustuhan ng kaibigan niya dito?

Habang nakikinig sa usapan ng talong kasama at tahimik na umiinom ng kape, pasimple niyang pinagmasdan si X. Hmmm… Hindi siya tulad ni Z na maputi pero gwapo din siya. In fact, malakas ang appeal. Hindi nakakasawang tignan. Magaling din siya pumorma. Maganda din ang pangangatawan. Nag-ggym siguro. Plus, maamo ang mga mata niya at pag ngumiti, medyo nakakawala ng katinuan.”

(Disclaimer: Mula sa bahaging ito ng kwento, lahat na nang mababasa  ninyo ay hango sa diaries ng bida. Yup, sa diaries niya na kasalukuyan pong nasa akin (pinatago eh) dahil ayaw niya na raw balikan ang nakaraan. So malamang, hindi siya nagbabasa ng blog ko ngayon.  Hehehe… Anyway, si Jane na ngayon, base sa kanyang diary, ang magkukuwento sa inyo.)

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang coffee session na yun pero magka-text pa rin kami ni X. Si Chynna at Audrey, okay na naman sila. Ganun lang naman talaga ang dalawang yun. Parang aso’t pusa. Away-bati. Kanya-kanya silang sumbong sa akin noong gabing yun. Pero kinaumagahan, balik sa normal ang lahat.

Halos alas-diyes na pala ng gabi. Katatapos ko lang basahin ang notes ko para sa exam namin bukas. Matutulog  na sana ako nang tumunog ang aking cellphone. Ooops, may nag-text.

Si X. Nangangamusta. Nagtatanong kung kumain na ako at kung gising pa ako. Hmm… Ano naman sa kanya kung kumain na ako o hindi pa? Bakit, manlilibre ba siya? Teka… maka-reply nga.

“iOla! Que tal? J” Sending message. Message Sent. Tignan ko nga kung ano isasagot..

One message received. “Yo estoy bien, mi dulce amor”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa nabasa ko. Di ko alam kung paano mag-rereact. Alam kong nakakaintindi siya ng Spanish but I didn’t expect that he could speak the language. I’m fine, my sweet love.  Sh*t! Di na ako mag-rereply. Kunwari zero balance na ako.

One message received. Si X na naman. “Gulat kb? Hehehe… Sup?”

Ano bang isasagot ko? Haay… Alam ko na.

“Gomen nasai. Amasa… J” Message Sent.

“Wakokokok. Nu nmn lnguage yn?”

“Nippongo”

“Nu ibig sbhin nun?”

“Secret. I-research mo”

“Nu nmn prize ko pg nlman ko? D8 tyo? Hehehe…”

“Wla lng”

“Dnt u knw dat sayin’ WLA LNG s usually used 2 xpress feelings lyk “I luv u”? Well, WLA LNG… J

“Gnun?Loko k tlga..”

“Miss kta.”

“Ows?”

“Totoo. Ma2tay mn landlady ko. Hehehe…”

Di na ako nag-reply. Masyado na siyang nagiging close. Di pwede yun. Kay Chynna na siya eh. Mahal siya ng friend ko.

Dahil medyo wala na ang antok ko. Binuksan ko ang radyo at nagpatugtog. Makahanap nga ng matinong istasyon na may mga nakakaantok na kanta-love songs pwede na. Sandali, cellphone ko yata yun. May message na naman ako…

“Hi Amasa. Musta? Lam ko n meaning nya J

“Cge nga, ano?”

“Prize ko muna. Gus2 ko kiss… ;)”

“Yoko nga.”

“Cge, kaw n lng kiss ko.. Muah! Muaaaaah! L8 n. Slip k n. Nyt”

Tinitigan ko nang mabuti ang hawak kong cellphone. Tama ba itong nabasa ko? Bago ko pa masagot ang sariling tanong, tumunog na naman ito. Message from X na naman.

“Coffee tyo tom. ha? C u. Muah!”

Hmm… Ma-testing nga kung talagang nakakaintindi siya ng Nippongo.

“Pg-icpan ko. Hehe… Nyt Ai. J

“Ai? Nw u rili hve 2 c me tom. U nid 2 tel me d meaning of dat 1. Hahaha… Ms u. C u.”

Mag-rereply pa sana ako nang mag-check operator services na ang screen. Wala na akong load. Lagot! Pero mas lagot ako pag nalaman niya talaga meaning ng mga yun. Or baka naman alam niya na nga. Patay! Bahala na. Bukas ko na nga lang p-problemahin yun. Wag sana kami matuloy bukas…

To be continued…

 

1 Response to “Three Love Stories: Texting Amasa and Ai”


  1. 1 winningquitter February 28, 2009 at 10:21 am

    ow men…kahit di ko nabasa kung ano yung tinext ni chynna, okay lang. i’ll take back what i said. doesn’t matter kung “x” ang nakasulat.😄


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




February 2009
S M T W T F S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 148 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 300,865 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?