Three Love Stories: The Beginning of Jane and X

Previously…

Di sila nagpapansinan nung una pero nang magtagal, they tried as much as possible na laging magkita pag may lakad ang common friends nila. Pasimple. Tambay sa baywalk, sa UST or sa coffeeshops. Then ayun, nagka-developan. Text-text lang nung una. Kunwari magtatanong kung safe na nakauwi.”

 

 

Year 2006. Fourth year college. Busy ang lahat sa dami ng requirements. Cramming to the max. Pero hindi gaya ng ibang typical senior, relax lang si Jane. Paano kasi, tapos na niya halos lahat ng requirements. May “K” na gumimik ika nga. Kaso, hindi gimikera si Jane.

 

Dahil tapos na ang klase, pauwi na dapat noon si Jane nang yayain siya ni Chynna at Audrey na magkape. Well, gaya nang nabanggit ko sa inyo noong una, hindi mahilig magkape si Jane. Wala talaga siyang balak sumama sa dalawa nang…

 

“Uy Jane, nag-text si X. Meet niya raw tayo sa Robinson’s. Sabi kasi namin sasama ka. Dadalhin niya rin daw si DJ para maging familiar kayo sa isa’t isa at di kayo ma-ilang sa gagawin nyong charade”

 

Si X. Di naman talaga sila close nito. Naging kaibigan niya lang ang lalaking ito dahil lagi siyang kasama ng dalawa pa niyang kaibigan. Kasamang tumambay. Bihira sila magkita nito. Dalawang beses pa lang nga yata. Nung may dinalaw siya sa hospital at saktong andun din ito. Ngayon, humihingi na siya ng tulong dito. Isang pabor para makatakas sa isang makulit na manliligaw.

 

Naalala bigla ni Jane na kailangan niya nga pala talaga ma-meet si DJ, ang boardmate ni X. Pahamak kasi si Z. Sa dinami-dami ng pwedeng ireto sa mga kaibigan nila, siya pa ang napili. Buti sana kung gwapo yung irereto, di naman. Mas ok pa nga yung boss niya sa org. nila na “hipon” (yummy ang katawan, just don’t look at the face) eh. Pasaway talaga. Ayan tuloy, kailangan pa niya ng magpapanggap na boyfriend niya para lang mag-give up na itong si Gerry. Tindi rin naman kasi ng fighting spirit. Tatlong beses na binasted, sige pa rin.

 

Isang oras ang nakaraan, nasa Robinson’s na ang tatlo. Sa kagustuhan ni Chynna, nagpunta muna sila sa ladies’ room bago makipagkita kay X. Kailangan daw magpaganda. Sinakyan na lang ni Audrey at Jane ang kahilingan nito dahil alam naman nilang pareho na type ng kaibigan nila si X.

 

“Mukhang may iba pa kayong mga lakad ah” puna ni X sa tatlo habang papasok sila ng Figaro.

 

“Wala. Boy hunting lang daw. Hehehe…” biro ni Audrey sabay siko kay Jane. Pumuwesto agad ito sa isa sa mga bakanteng silya.

 

Umupo din agad si Chynna sa tabi ni Audrey na kaharap ng upuan ni X. Walang nagawa si Jane kundi ang pumuwesto sa tabi ng lalaki. Hanggang sa napansin niya na parang may kulang.

 

“Asan si DJ?”

 

Agad namang nagpaliwanang si X  na hindi ito makakarating dahil may exam bukas na kailangan paghandaan. Tumahimik na lang si Jane. Useless naman pala pinunta niya, sa loob-loob ni Jane.  Di niya namalayan na silang dalawa na lang pala ni X ang nasa mesa. Umalis ang dalawa niyang kasama para mag-order.

 

“Ok ka lang? Mukhang disappointed ka” puna ni X kay Jane.

 

Pilit na ngumiti si Jane. “Hindi naman. Di lang talaga ako sanay na lumabas-labas pag school days”

 

“So, good girl ka pala? Mali pala kwento nila sa akin” pabulong na sabi ni X

 

“Huh?”

 

“Wala. Ang sabi ko, hindi sigurado si DJ sa charade nyo eh. Kung gusto mo, ako na lang papalit sa kanya” palusot ni X sabay kindat.

 

Sasagot na sana si Jane nang dumating si Chynna at Audrey. Kamusta naman sa timing! Sasampolan na niya sana ng ka-malditahan eh. Medyo presko ang loko. Akala yata ni X di siya narinig. Palihim niyang sinulyapan ang lalaki. Nakatitig pa rin pala ito sa kanya. Ngiting-ngiti pa. Umiwas agad siya ng tingin. Mahirap na. Baka makita pa sila ni Chynna sa ganoong ayos. Kung ano pa maisip nun. Eh tindi pa naman ng tama nun sa lalaking ito.

 

Ano nga bang nagustuhan ng kaibigan niya dito?

 

Habang nakikinig sa usapan ng tatlong kasama at tahimik na umiinom ng kape, pasimple niyang pinagmasdan si X. Hmmm… Hindi siya tulad ni Z na maputi pero gwapo din siya. In fact, malakas ang appeal. Hindi nakakasawang tignan. Magaling din siya pumorma. Maganda din ang pangangatawan. Nag-ggym siguro. Plus, maamo ang mga mata niya at pag ngumiti, medyo nakakawala ng katinuan. Buti na lang di ako affected. Si Z pa rin ang gusto ko, bulong ni Jane sa sarili.

 

“Sabi ko nga, ako na lang papalit kay DJ. Di naman ako kilala ng Gerry na yun. At least kung ako ang magpapanggap na boyfriend niya, safe siya. Kasi nga kilala nyo ako,” litanya ni X.

 

Bumalik sa present si Jane. Nagulat sa narinig. “Ano ulit yun?”

 

“Si X na lang daw boyfriend mo kunwari, di ba Chynna?” sagot ni Audrey.

 

Napatingin si Jane kay Chynna. Binabasa niya kung papayag nga ba ang kaibigan. Alam niya kasing may gusto ito kay X. Baka di pumayag.

 

“Oo ba. Basta manonood ako sa performance nyo ha” paniniguro ni Chynna.

 

“Performance with kissing scene ba yan?” biro ni Audrey na agad din namang prumeno dahil kay Chynna.

 

“O ayan, so ako na lang ha?” ngingiti-ngiting baling ni X kay Jane.

 

Aray! Tahimik na reklamo ni Jane. May sumipa sa binti niya sa ilalim ng mesa. Napatingin siya kay Chynna. Hindi ito nakatingin sa kanya. Nakatitig ito sa may bintana habang umiinom ng kape pero kitang-kitang matalim ang mga mata nito. Napayuko si Jane.

 

Nagpatuloy ang kwentuhan. Medyo iwas na si Jane. Sumasagot lang siya pag tinatanong. Kaso, panay naman ang tanong ni X sa kanya. Napansin niya, naiinis na si Chynna. Alam niyang napapansin din ito ni Audrey. Sinubukan i-divert ni Audrey ang usapan. Kaso, bigo siya. Puro non-sense kasi ang hirit. Maya-maya pa, napagbuntunan na ni Chynna ng inis si Audrey.

 

Ilang minuto ang nakalipas, umalis na si Chynna. Humiwalay ito sa kanila sa inis. At pagkapikon na rin sa mga hirit ni Audrey.  Dedmahan na kasi ang nangyari sa coffee shop puro si Audrey na lang at X ang nagdadaldal.  Sabay na lang na umuwi ang tatlo. Hinatid ni X hanggang sakayan sina Audrey at Jane.

 

Nang makasakay na si Audrey. Naiwan na lang si Jane at X.

 

“Ah, Jane… pwede makuha number mo? Para at least alam ko kung safe ka nakauwi.”

 

“Um… sige. Paki-save na rin lang number mo dito. Para alam ko kung ikaw nag-text”

 

***

Kakarating pa lang sa bahay, tumunog na agad ang cellphone ni Jane. Tinignan niya ito. Three messages received. Isa galing kay Chynna. Isa kay Audrey. At, ang isa pa ay galing kay X.

 

Sa isip-isip ni Jane, ano naman kaya ang nangyari at sabay-sabay na nag-text ang tatlo?

To be continued…

 

 

1 Response to “Three Love Stories: The Beginning of Jane and X”


  1. 1 winningquitter February 28, 2009 at 10:14 am

    hmm…pansin ko lang. ang hirap basahin ang “x”. nakakadestroy ng moment nila. parang di ko mafeel ang love knowing na magbebreak din sila. hay…next story. can’t wait kung ano yung sinasabi ng texts…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




February 2009
S M T W T F S
« Jan   Mar »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 148 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 300,902 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?