Three Love Stories: Code Names

Previously…

Tatlong guys lang ang nagbigay ng matinding impact sa buhay ng friend kong ito. Dalawa dun ay naging boyfriend niya. Yung isa naman, mahal niya pero bestfriend niya kaya di talo. She had moments with these guys. Pero the sad thing is that, di maganda ang naging kinahinatnan ng relationships niya with them.”

Ritwal na para sa akin ang mag-check ng emails ko tuwing umaga pagdating sa office. Kaya naman expected ko na ang email ni Jane sa akin tungkol sa lovelife niya. Ang di ko nga lang inaasahan, isang nobela pala ang i-ssend niya. Tsk! Ang lufet! And take note, part one pa lang daw yun.

So, instead na i-copy paste ko na lang sana ang kwento niya, di ko na itinuloy. Napansin ko kasi na kailangan siyang i-chop dahil kung hindi good luck na lang.

***

From: Jane <********@yahoo.com>

Subject: I WANT NEW ENDINGS

Date: Thu, 1/22/09, 10:33pm

Message:

Gurl,

I’m not happy. Feeling ko para akong multo na may unfinished business. I want to do something about my relationships (as if all of them still exists! Hmph!) kahit sa imagination man lang. Kaya nga eto, share ko sa’yo ideas ko. Teka, ano nga kaya kung i-blog mo ito? Pwede! Basta ba don’t reveal my identity ha. Bahala ka na kung anong gusto mong ipangalan sa’kin. Hahaha…

PERO. Oo, may pero. Gusto ko ako ang magbigay ng codenames dun sa tatlo. Itago natin sila sa codenames na X, Y and Z. Parang algebra noh? Pero siyempre hindi. Alam naman nating pareho na allergic tayo sa Math eh. Kaya nga hindi tayo nag-Engineering at Commerce. Anyway, here are my reasons about those codenames and kung para kanino sila.

X. Siyempre, si X ay ang EX ko. Duh! Nag-iisa lang naman siya as of the moment. Wait, napaisip ako dun ah. Hehehe… Basta siya si X kasi siya ang una kong ex.

Y. Bakit nga ba Y? Si Y ay si present na medyo malabo na ngayon kung siya pa rin ang present. Gets mo? Kaya Y. Kasi ang dami-dami ko pang gustong itanong sa kanya na di ko pa rin naitatanong at pag susubukan ko na, para naman siyang umiiwas. Gusto ko ngang malaman why. Haaay…

Z. Si Z ay si ultimate long-time guy bestfriend ko. Siyempre curious ka na naman bakit Z eh wala namang letter Z sa name niya. Well, for one thing. Para kasi siyang manhid or nagmamanhid-manhidan about my feelings for him. Alam ko naman may idea siya about it eh. Di mo pa rin gets? Z kasi alam mo yung sa cartoons yung pag natutulog “Zzzzz”. Yun nga! Kasi I want to wake him up and make him look at me. See me not just as a friend… but something MORE.

So ayan, may codenames ka na para sa blog mo. Simulan ko na fantasies ko? Hahaha… Wag kang mag-alala. Hindi ito ‘pron’ (term mo! hahaha), pramis.

***

At naglitanya na nga si Jane tungkol sa tatlo. Mga wishful endings for each of them. But before we proceed with her ika nga “fantasies”, kilalanin nyo muna yung tatlo. Si X, Y, Z. Mag-umpisa tayo in alphabetical order…

Si X gaya nga ng sabi ni Jane ay ang una niyang ex. Meaning, yun din ang first-ever boyfriend niya. Ngayon may idea na siguro kayo bakit mahalaga sa kanya ang isang yun. Dahil nga first. Alam mo naman pag first, halos una sa lahat ng bagay…

Based on her stories about X, whirlwind romance ang relationship nila. Nakilala niya kasi itong si X through one of her friends. Di sila nagpapansinan nung una pero nang magtagal, they tried as much as possible na laging magkita pag may lakad ang common friends nila. Pasimple. Tambay sa baywalk, sa UST or sa coffeeshops. Then ayun, nagka-developan. Text-text lang nung una. Kunwari magtatanong kung safe na nakauwi.

Anyway,  Si X nga rin pala ang reason kaya natuto mag-kape yang si Jane. Di kaya siya mahilig sa kape dati at ayaw na ayaw pa niya ito. Tignan mo nga naman talaga nagagawa ng love noh?

Going back, ok naman si X. In fact, bagay sila ni Jane. Maganda at matalino si Jane while X is cool and handsome. X was the one who helped Jane loosen up and have fun. Bahay-school lang kasi dati itong friend ko. Nang dumating si X, natuto lumabas-labas.

Parang napaka-perfect ng picture di ba? Pero hindi. X has problems with commitment though alam ni Jane yun, it didn’t bother her. She trusted X when he said that Jane renewed her faith in LOVE again. He was worth her trust. WAS. Past Tense.

Ayun nga, mabait kasi itong si Jane eh. Kaya nadale tuloy siya ng cliche na “It’s not you, it’s me” at isang napaka-pangit na closure ng first relationship ang nangyari. Pero kahit pangit, I can say na kinilig din naman ako kahit papaano sa mga moments nila ni X. Ang sarap ngang i-rewind at i-play all over again…

To be continued…

2 Responses to “Three Love Stories: Code Names”


  1. 1 RK January 31, 2009 at 9:47 am

    uhmmm…maganda at interesting ang kwento…naalala ko 2loy ang high school life ko lalo n yung mga paggamit sa mga codenames parang shaider db?ahahhahah,,,,pero comment ko lng sa codename ng mga naging bf or gf nyo,,bat laging X ang gamit nyo?db sa math pag gnmit ang X ibig sabihin unknown?so pag gnmit mo yon sa isang tao ibig bang sabihin non unknown n rin cia sayo?eheheehehh…

  2. 2 winningquitter February 28, 2009 at 10:04 am

    wow. astig. can relate. matuloy nga sa pagbasa nung iba…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




January 2009
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 148 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 301,109 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?