Three Love Stories: Introduction

Malapit na naman ang February kaya naman naisip ko na panahon na naman ng ka-kornihan at kabaduyan. Bakit? Kasi unti-unti na namang nagsusulputan ang mga naglalakihang teddy bear, heart-shaped candy boxes, at heart balloons. Bukod dito, puro na rin kulay pula ang makikita mo sa paligid. Favorite color ko ang red pero naiirita ako dito tuwing February. OA naman na kasi. Saan ka ba naman nakakita na pati teddy bear, ginawang red?

 

Anyway, hindi tungkol sa pagkainis ko sa Valentine’s day ang post na ito. Kung tutuusin, this post will even compliment the occasion. A post about love. Mushy? Well, kayo na ang humusga. After all, hindi ko naman kwento ito. Ikukuwento ko lang. Hehehe…

 

Itago na lang natin siya sa pangalang Jane. Matagal ko na siyang kaibigan at ka-chikahan lalo na pagdating sa lovelife. Alam namin ang mga frustrations at heartbreaks ng bawat isa. Wala akong planong ilaglag siya dito. Baka nga makatulong pa sa kanya ito. Kaya nga with her permission, i-sshare ko sa inyo ang kanyang love stories…

 

***

One busy day ng January 2009, sa ym…

 

Jane: Uy gurl, musta?

Ako: ok naman. Ikaw?

Jane: eto, medyo sad.

Ako: bakit naman?

Jane: Ewan ko ba. Emo na naman ako lapit na kasi Feb. eh

Ako: Valentine’s day blues? Tagal pa yun wag mo muna isipin

Jane: Di yun… Naisip ko lang,  ang lungkot pala ng lovelife ko. Tatlo lang ang minahal ko nang husto tapos puro naging pangit pa ang kwento

Ako: (quite annoyed) So… ano plano mo?

Jane: Wala naman. Wish ko lang… sana iba naging mga ending nila. Sana pwede pa baguhin.

Ako: Ano bang klaseng ending gusto mo?

Jane: Hmmm… matutulungan mo ba ako kung saka-sakali?

Ako: Try ko.

Jane: Sige. I-email ko sa iyo kasi medyo inspired ako ngayon. Bigyan ko silang tatlo ng kakaibang ending.

Ako: Ok. Tapos i-blog ko ha? (joking) Hehehe…

Ako: Teka, tatlo?!
Jane: Oo. Tatlo Sina ano…

Ako: Ah… Sige. Email mo na lang. Work muna ako, ok?

Jane: Okeis.

 

***

At doon na nga nabuo ang ideyang ito. Biro lang nung una pero naisip ko na maganda rin siguro totohanin. Totohanin ang i-share ang kwento ni Jane. Naaliw kasi ako sa lovelife niya at sa makukulay na ending na gusto niya. Naisip ko nga baka mabasa ito nung tatlong valuables niya (hehehe… kulit sa term noh?) at sakaling magkatotoo. Malay natin makatulong talaga ako… So, game?

 

***

Bago ko i-reveal ang email ni Jane. Let me give you an idea muna kung sino itong ating bida. Aside from the fact na kilala ko siya at magkaibigan kami, gaya ko, graduate din siya ng UST at working na rin ngayon.

 

Si Jane ay mahilig din magsulat. Yun nga lang mas ganado siyang magsulat pag inaatake siya ng depression. Katabi ang Coke at Bavarian donut, siguradong makakagawa agad siya ng isang malalim at makabagbag-damdaming tula habang nagmumuni-muni kung bakit nga ba malupit sa kanya ang buhay.

 

Di ko rin siya talaga masisi kung bakit siya ganoon. Talo pa kasi ng buhay ng babaeng ito ang mga telenovela na napapanood nyo sa tv. Grabe sa tindi ng drama. Pero dahil hindi naman ito tungkol sa buhay niya. Di ko na iisa-isahin sa inyo ang mga tragic moments niya.

 

Maganda si Jane. Some of our friends even call her “HOT”. She deserves it naman kasi. Matindi ang appeal niya, sexy, magandang katawan, matangkad, witty at very strong ang personality. All in all, charming talaga siya. Which makes me wonder, bakit nga ba ganun ang lovelife niya…

 

Tatlong guys lang ang nagbigay ng matinding impact sa buhay ng friend kong ito. Dalawa dun ay naging boyfriend niya. Yung isa naman, mahal niya pero bestfriend niya kaya di talo. She had moments with these guys. Pero the sad thing is that, di maganda ang naging kinahinatnan ng relationships niya with them. Di naman super pangit pero she still wishes they could have been better…

 

To be continued.

0 Responses to “Three Love Stories: Introduction”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




January 2009
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 148 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 300,865 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?