Archive for the 'Three Love Stories: The Series' Category

Three Love Stories: He’s taken already

Previously…

“Call me insane but I thought that dating Gerry is the only chance I could have to be with my bestfriend again…”

*Sighs*

I’ve fallen into one of Gerry’s tricks again. Here I am, sitting at Coffee Indulgence sipping my cold coffee as I pretend to listen to his stories.  Kanina pa kwento nang kwento ang isang ito. Halos kilala ko na yata nang husto ang ex niya sa kakakwento niya. TSK!

Maybe this is what I get for also using him to be with my bestfriend, Z. I thought they’re together kaya eto naman ako, punta agad. Yun pala, I’m stuck with the boring company of this person who chats with me as though we are always on a debate.

Naku, kalahati na pala ang coffee ko. I gotta do something before he rewinds his stories again.

“Um… Gerry, kamusta na nga pala si Z?”

“Ha? Ok naman siya.”

“Mukhang masyado siyang busy. Wala akong balita sa kanya.”

“Hindi naman. Ganun lang talaga siguro pag may love life.”

“Ha? Anong love life?”

“Hindi mo ba alam?”

“Ang alin?”

“May girlfriend na siya”

***

It’s already late in the evening but I feel as though time has stood still from the moment I heard that Z already got a girlfriend. I can still recall my shock when I heard Gerry. Every thing around me has lost its colors and it’s as if I am in a black and white film. I was in total blank. In fact, di ko nga maalala kung paano natapos ang “date” namin na yun ni Gerry at kung papaano ako nakauwi.

I feel so shattered. My last tiny flickering light of hope was gone. And so I sunk on my bed and just tried to recall our good days together. I looked for old letters, photos and gifts. Then I saw ones from my debut. Our photos on that occasion and a poem I wrote after…

Lamentations

“.I’ll have savored you like an oyster
memorized you
held you under my tongue
learned you by heart
So that when you leave
I’ll write poems”
-Sandra Cisneros

I hold in my hands
memories of yesterday
Dried, fragile petals
on decaying stems
red and white roses
Now turned yellowish-brown
Beauty that has fade
Can never be regained

Sweet tunes and lovely roses
A night of dreams
You belong to me that evening
Like Endymion in Selene’s arms
A slave of her love
Just for a night

If only I could stop the earth
From revolving
If only I could freeze the time
It could have been
Only you and me
And the night won’t come to an end

But like the roses in my hands
The night is now a memory
That will fade
And will be taken away by time
I can never bring back the magic
For now,
The spell
Is
Over.
Reality
Has
Come
We
Are
Just
friends.

 Yes, we are just friends… Then, my mind suddenly snapped back into reality. Yes, there is definitely no point in seeing Gerry anymore I should already get rid of him (way back ago). After all, he is still so into his ex, getting rid of him will do us both a huge favor.

To be continued…

Three Love Stories: Matchmaking FAIL

Previously…

“Seniors’ Prom. Isa ito sa mga most memorable moments ko ng high school. Pero ito rin yata ang isa sa mga biggest regrets ko. Ilang beses ako niyaya noon ni Z na sumayaw pero tinanggihan ko siya…”

Bihira na lang kami magkita ni Z noong college kaya kapag may pagkakataon para magkasama kami, I always grab it. Kaya naman nang minsan mag-text siya ng hatinggabi, di ako nagdalawang-isip na mag-reply. Ang kaso… iba na ang sumagot sa text message ko.

“Hi, I’m Gerry, Z’s frend. He’s drunk ryt now so his cel s wid me.”

Worried as I was for my friend, I didn’t even think twice whether I should reply or not. Apparently, I didn’t know back then that this text message exchange would be the start of Z’s role of playing Cupid to me and his friend.

Well, dahil kaibigan ko nga itong si Z, nagtiwala ako sa taste niya and inisip ko rin na baka through this Gerry ay magawa kong kalimutan na ang feelings ko kay Z. So, I met up with Gerry and went out a few times with him.

***

First meeting with Gerry… I texted him to wait for me in front of my college’s entrance which is katabi ng library. At dahil gusto kong malaman kung anong hitsura niya bago ako makipagkita sa kanya (baka kasi magbago isip ko pag nakita ko hitsura niya), nag-stay ako sa library, sa may windows and looked for him. Unfortunately, my plan failed.

So lumabas ako at di ko alam na nakasalubong ko na pala siya. When we finally met, I did my best to hide my disappointment. May tiwala ako sa taste ni Z pero di ko akalain that he would fail. Though, I still gave him the chance and said to myself na baka ok naman siya.

***

Gerry is a year older than me. He is short and chubby. And, this really made me feel awkward  to walk beside him when I’m wearing heels. No, don’t get me wrong, I’m not mean.  Hindi lang talaga ako sanay makipag-date sa isang guy na mas matangkad ako. Most of the guys I’ve dated are taller than me.

So why did I dated him?

Call me insane but I thought that dating Gerry is the only chance I could have to be with my bestfriend again…

And mukhang nahalata nga iyon ni Gerry.

I became the so-called “first lady” of the coach for the Commerce’s  debate team where Z is a member. I attended their trainings sitting beside Gerry while secretly gazing at Z. But when training is finished, parting became so hard for me. I wanted Z to accompany me in going home since my destination is just on his way too. But he would always insist  for Gerry to accompany me instead.

And so it went on until one night while on cab, Gerry did something that really turned me off.

He forcedfully tried to kiss me. Luckily, we are not of the same height and I was able to avoid him. I could still recall his big mouth that tried to devour me. Very creepy. I even thought I would have nightmares.

So, I texted Z and informed him. He replied with a laugh and said I was so conservative.

Well, sorry, I thought. I wasn’t just being conservative. I just really don’t like your friend. And why do you have to give me to another, when it’s you that I want?

*sighs* I wished I could said that to him, I thought as I stared at my cellphone.

 

To be continued…

Three Love Stories: Fourth Year HS

Previously…

“We were no longer classmates and dahil doon nabawasan ang time namin together. He began having new friends. And I, started missing him. Ako naman ang nagselos sa mga bago niyang kaibigan.”

Senior year began at naging classmates kami ulit ni Z. We were both in the cream section, as every one else has expected. Gayunpaman, hindi pa rin kami ok until I took the courage to make the move.

***

It was the night of my birthday celebration. I was a bit nervous. Darating kaya siya? It was a big risk to invite him tonight. Pero tinanggap niya naman yung invitation and he even smiled.

Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pag-aagam-agam nang marinig ko ang excited na mga boses at tuksuhan ng aking mga bisita. Napalingon ako sa may pinto.

There he is… Handsome as ever. When he met my eyes, he smoothly approached me and handed his gift.

From then on, we became close again and almost inseparable. Back to being seatmates, project partners, groupmates and friends.

***

Dahil nga sa close na kami ulit… we both know the secrets of each other. Well, almost. Di ko naman kasi kayang sabihin sa kanya ang lahat like my feelings for him.

I remember a time when nakiusap siya sa akin na iabot sa nililigawan niya yung framed poem seatwork namin sa isang subject. Self- composed niya yung poem. Maganda at talagang pinaghirapan even the design and frame. It was so heart-breaking pero tiniis ko. Ayaw nga tanggapin nung nililigawan niya na friend ko kasi alam nung girl na may gusto ako kay Z. Pero dahil may pagka-martyr nga ako. Nakiusap pa ako sa kanya Ayun, tinanggap din sa wakas. 

***

Seniors’ Prom. Isa ito sa mga most memorable moments ko ng high school. Pero ito rin yata ang isa sa mga biggest regrets ko. Ilang beses ako niyaya noon ni Z na sumayaw pero tinanggihan ko siya…

Wala kasi ako sa mood dahil napagalitan at napahiya kami noon ng adviser namin. Na-late kasi kami. Kakainis!

If only I could turn back time… I’ll dance with him na talaga!

***

College came. Medyo nakakalungkot kasi nagkahiwalay na kami ni Z. But I was so glad na at least we are in the same university. We still keep in touch but not as frequent as the usual. Nakaka-miss…

To be continued…

Three Love Stories: The Quarrel

Previously…

Happiness…

is when a wish comes true

… like being with you”

 

Ever since we exchanged Valentine cards (yup, binigyan ko rin siya pero late nga lang), Z and I became closer than before. In fact, we were inseparable in our entire sixth grade together Medyo nagseselos na nga sa akin yung iba niyang mga friends. Pero ok lang. Ang mahalaga, masaya kami lagi.

Pero, everything seemed to change when we started high school.

We were no longer classmates and dahil doon nabawasan ang time namin together. He began having new friends. And I, started missing him. Ako naman ang nagselos sa mga bago niyang kaibigan.

Sabi niya nga sa isa sa mga letter niya sa akin, “selosa” raw ako.

Time came na dahil sa gusto kong magpapansin sa kanya, nakaisip akong gumawa ng kalokohan. Inisip kong baka sa gagawin ko, matawa siya at ma-realize niya na we need to have some time together naman. So, as a joke, I wrote a love letter as though secret admirer niya ako and dropped it inside his locker.

Nang mabasa niya yun, he knew then na ako ang may gawa. Nagalit siya. Not the reaction I expected. Sinubukan kong palamigin muna ang ulo niya bago siya suyuin. Pero bale-wala rin pala.

With that, our first year in high school became the year when we drifted apart. He never spoke to me since then. Kahit anong gawin kong sorry, ayaw niya tanggapin. Tumagal ang away na yun. Lumala kasi dahil sa parinigan at inisan. Tumagal ang away namin hanggang fourth year namin sa high school.

To be continued…

Three Love Stories: Sweet Letter

Previously…

“Napatingin ako sa kanya at biglang may parang kumurot sa puso ko. Na-mimiss ko siya kahit malapit lang naman siya… Para bang gusto kong siyang yakapin.”

Celebration ng Valentine’s Day sa school, Feb. 12. Dapat sana bukas kasi Friday, Feb. 13. Kaya lang walang pasok kasi Teacher’s Day daw. Siguro makikipag-date ang mga teachers namin kaya ganun.

Di pa rin ako makapaniwala sa sarili ko. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin at nag-iba bigla ang tingin ko kay Z. No, hindi pwedeng in-love ako sa kanya. Bata pa ako para sa mga ganun. Isa pa, kaibigan ko siya, bawal pag kaibigan. Di talo.

Medyo late na ako dumating sa school. Dala ko ang mga mini chocolate heart cakes na binili ko para sa dalawa kong kaibigang babae. Hindi ko binilhan ng regalo si Z. Kahit naman kasi magkasama kami nanood ng sine noong nakaraan, tumupad lang naman ako sa usapan. Asar pa rin ako sa kanya. Puro na lang kasi yung galit niya dun sa dalawa naming kaklase ang inaatupag niya. Di na lang sila magsuntukan nang matapos na. Sigurado ako, baka bumili pa ang Z na yun ng bulaklak para kay Anna, yung babaeng nililigawan nung kaaway niya. Balak niya kasi talaga bwisitin ang mga kaaway niya kaya ayaw niya tantanan.

Pagpasok ko sa classroom, halos lahat sila ay paalis na at papunta sa labas. General assembly kasi. Pero, may iilan pa rin namang natira. Si Z at ilang mga kaklase naming babae. Narinig ko pa nga na sabi nung isa, “Andyan na siya oh”.

Umupo ako sa lapag sa harap ng aking upuan. Lumapit si Z habang abala akong inaayos ang aking mga gamit. Di ko siya tiningala. Baka mang-aasar lang naman kasi siya o kaya naman ay magpapatulong sa pambubuwisit na ginagawa niya sa mga kaaway niya. Kaso, mali ako.

“Jane, para sa’yo oh. Pagpasensyahan mo na ha…” marahang sabi ni Z sabay abot ng isang greeting card.

Natigilan ako. Aktong bubuksan at babasahin ko na ang card  nang idagdag niya na wag daw muna. Baka may makakita. Tapos bumalik na siya sa kanyang upuan at inilabas ang isang balot ng heart candies. Kinulit siya ng mga kaklase namin na nanghihingi. Nang mabuksan, tinawag niya ako at hinagisan ng isang piraso, sabay ngiti. Nginitian ko rin siya bilang pasasalamat.

Nauna ako lumabas kay Z ng classroom dala-dala ang English book kung saan ko isiniksik ang card na bigay niya. Matapos ang Lupang Hinirang at kung anu-anong panunumpa, saka lang kami nakaupo. Doon nagkaron ako ng pagkakataon na lihim na basahin ang card na bigay ni Z. Tinignan ko ng mabuti ang cover.

Isang Valentine card na may rosas sa harapan. Nakasulat din sa itaas na bahagi ang “To my Valentine with all my heart”. Nagsalubong ang mga kilay ko sa nabasang mga salita. Naisip ko, baka naman binigay niya sa akin ito para iabot ko kay Anna. Ano ba naman yan… sa loob-loob ko. Akala ko pa naman para sa akin na.

Gayunpaman, nanaig pa rin ang pagiging curious ko. Wala naman kasing sobre yung card kaya binuklat ko siya at sinimulang basahin. At yun, di ko na alam kung ano na talaga ang nangyari sa akin. Mistulang halo-halo ang lahat ng aking nararamdaman. Gulat, pagtataka, kilig at kung anu-ano pa. Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam nang ganun kung ganito ang nakasulat sa card…

Jane,

Happiness…

is when a wish comes true

… like being with you

<heart>, Z

 

Ilang beses ko pa binasa ulit ang card at tuwing matapos ko basahin ay talaga namang natutulala at napapaisip ako. Bakit niya ako binigyan nito? Ano ito, joke? Tumingin ako sa direksyon niya at nahuli kong pinapanood niya ako. Marahil ay alam niyang nagtataka ako. Gusto ko ng sagot sa mga tanong pero ngiti lang mula sa kanya ang nakuha ko.

To be continued…

Three Love Stories: Feb. 8 – My So-Called First Date

Previously..

“It was that time when I saw him differently. When I saw him beyond his being chubby and makulit. When I started to appreciate his sweetness and thoughtfulness. When I began cherishing every moment spent together and kept all gifts and notes we exchanged.”

Feb. 8, 1998. I just finished eating lunch pero di ako mapakali. Nasa loob ako ng kwarto ko at pabalik-balik na naglalakad at tumitingin sa salamin or sa cabinet ko ng mga damit. Ewan ko ba. Hirap din ako mag-decide kung anong susuotin ko. Di naman ako dati ganito. Saka kung tutuusin, di ko naman kailangan mag-prepare nang husto. Manonood lang naman kami ng sine. Di niya naman siguro ako tititigan sa loob ng sinehan. Isa pa, ang dilim kaya. So useless din na magpaganda. Kaso, stubborn ako eh. Nag-effort pa rin.

Usapan namin ni Z na magkita sa mall. Dumating ako nang sakto sa agreed time. Pagdating ko sa French Baker, andun na siya. Wow… di ko alam kung bakit pero parang napalundag yata ang puso ko. Tapos bigla na lang bumilis ang pagtibok. Easy lang, sabi ko sa sarili ko habang papalapit kay Z.

“Buti naman andito ka na,” bungad ni Z. “Natakot ako eh. Akala ko di ka na darating.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Pwede ba naman kitang indyanin? Siyempre hindi.”

Sinuklian niya ng ngiti ang sinabi ko at saka sinabayan na akong maglakad papunta sa cinema house. Habang naglalakad kami, di namin naiwasang hindi lumingon-lingon sa paligid. Baka kasi may makakita sa aming kakilala. Ma-headline na naman kami sa mga tsismisan.

Hanggang sa magkatinginan kami at parehas na napabungisngis.

“Wala naman sigurong makakakita sa’tin na taga-school,” sabi ni Z.

“Oo nga. May exams tayo sa Monday eh.  Malamang busy silang lahat sa pag-rereview.”

Bumili kami ng tickets para sa “Titanic”. Sabi ng nasa booth punuan na raw sa loob. Pero dahil gusto nga namin mapanood ang movie, tumuloy pa rin kami.

Inalalayan ako ni Z sa sinehan. Tayuan na sa loob. Pumuwesto kami sa may bandang aisle, tig-isang side. Siya sa right, ako sa left. At tahimik na kami nanood.

For the first time in our friendship, noon lang ako nakaramdam ng pagka-ilang sa kanya. Hindi dahil sa nadadala ako sa palabas kundi dahil yun ang first time kong magkaroon ng kasamang lalaki na di ko kamag-anak sa panonood ng sine.

Bukod doon, kanina ko lang napansin na gwapo pala ang kaibigan kong ito. Maamo ang mukha at maganda ang ngiti. Bakit nga ba ngayon ko lang napapansin ito?

Napatingin ako sa kanya at biglang may parang kumurot sa puso ko. Na-mimiss ko siya kahit malapit lang naman siya… Para bang gusto kong siyang yakapin.

Naku! Hindi pwede mangyari ito… Bestfriend ko siya. Hindi ako dapat magkagusto o ma-in love sa kanya.

Lord, wag naman po…

To be continued…

Three Love Stories: Meet Z

Previously…

“Si Z. He can never be a coffee. Di pa ako marunong magkape noon eh. But I could say, he’s milk. Gusto ko lasa niya pero ayoko siya inumin. In Z’s case, I like him but I don’t want him to be mine.”

Paano ko nga ba sisimulan ang kwento ni Z? I don’t know how or when it actually began. But one thing’s certain. Even though he’s just a friend, he will always mean so much to me.

We met each other way back when I was in fourth grade. Sa Cream section. He was still a chubby kid back then. And I was still a young prim and proper girl. Our first conversation? I’m not really sure. But I know that in the first month of our fourth grade year together, we immediately became friends.

Makulit siya and ganoon din ako kaya nga magkasundo kami. Magkasama kami lagi sa mga kalokohan at groupings sa mga projects. We were inseparable that’s why some friends and classmates even assumed that we would make a lovely couple.

Yet, we were too young to think about those things.

Ang alam lang namin noon ay ang mag-asaran at magtaguan ng gamit ng isa’t isa. Pero the time came too when I felt different towards him.

It was that time when I saw him differently. When I saw him beyond his being chubby and makulit. When I started to appreciate his sweetness and thoughtfulness. When I began cherishing every moment spent together and kept all gifts and notes we exchanged.

At first I thought that maybe it was just because he’s the only guy friend I’ve ever had. He was the only male who was close to me. But when I started having other guy friends and the feeling still lingered… I then started to be afraid.

Why?

Because I realized that Im in love with my bestfriend…

 

To be continued…

Three Love Stories: Jane’s interview about X

Previously…

“Either way, I just hope X finds a serious relationship. That he would be a better man.”

 

Her Maldita-ness is back. Haaay… Kaloka talaga magbasa ng email ni Jane. Napaka-haba at nobela talaga yung ginawa niyang endings. At dahil sa na-curious naman ako sa mga endings na ginawa niya, I decided na interviewhin siya nang konti before proceeding with the next man in the Three Love Stories.

Me: Uy Jane, tapos na ang kwento ni X sa blog. Alam ko binabasa mo naman siya kahit papaano. How does it feel na tapos na siya?

Jane: Relieved. Cathartic. Para akong nabunutan ng tinik. And I think I’m ready to face him na.

Me: You mean ngayon ka lang naka-moved on?

Jane: No. Matagal na akong naka-moved on. Yun nga lang before kasi I know na di ko pa siya kayang harapin. Wounded pride siguro dahil siyempre as a girl, iba rin naman yung feeling na alam mong you’re ok as gf material pero despite that, niloko ka pa rin.

Me: Oo nga naman. Anyway, kay X ka natutong magkape di ba? If he’s a coffee, anong klaseng kape siya?

Jane: Capuccino. It’s the first coffee I tasted. And capuccino is quite deceiving. I mean, foamy siya and parang sweet because of its looks. And yeah, sweet nga at first but as you consume the drink you realize, there’s something lacking. Or perhaps mas nangingibabaw ang taste ng kape at hindi ok yung blend. Parang si X when we were together. At first, he’s sweet. We built dreams together. A big family composed of a basketball team and a muse. Stuff like that. But in the end, they didn’t happen. No more sweetness.

Me: Hmmm… Eh kung kape si Y at Z, ano naman sila?

Jane: Teka, akala ko ba tungkol kay X lang ito… Anyway, sagutin ko na rin. Si Z. He can never be a coffee. Di pa ako marunong magkape noon eh. But I could say, he’s milk. Gusto ko lasa niya pero ayoko siya inumin. In Z’s case, I like him but I don’t want him to be mine. Si Y naman, siya ang aking Cafe Latte, my favorite coffee. Perfect blend kasi. Tama lang ang sweetness at lasa ng kape. Parang si Y talaga. Tama lang ang sweetness niya, pagka-mean at pagka-korni. And a taste of Cafe Latte always soothes me kahit sobrang init ng ulo ko or depressed ako. Ganoon din sya. He knows how to deal with me and make me feel at ease.

Me: Wow… ayos sa comparison ah. Mabalik ako sa kwento ni X. Ano ba talaga ang dahilan at nagkagulo kayo nina Chynna?

Jane: To be honest, maraming dahilan. Pero ang pinaka-point nun, nagsinungaling kami pareho. I said that di ko na i-entertain si X and yet I did. Sabi niya, ok lang na maging kami ni X and wala na siya feelings for him. And yet, mahal niya pa rin pala. Binaboy pa niya picture ko noong nagalit siya at nagselos kasi nga nagkikita pa rin kami.

Me: Ano naman nangyari sa inyo ni Audrey?

Jane: Nadamay lang naman siya sa amin ni Chynna. Mas matagal silang friends ni Chynna kaya ganoon. Besides, nung time kasi na naghiwalay kami ni X, di ko magawang ipaliwanag sa kanya yung mga nangyari. Iba naging dating sa kanya kaya ayun. But I know that somehow, someday, we’ll be ok.

Me: Di ka ba nag-suspetsa noon na niloloko ka na ni X?

Jane: I did but I ignored it. Confident kasi ako sa sarili ko and I have faith in him. Yun nga lang, he failed me.

Me: Gaano katagal ka na pala daw niyang niloloko?

Jane: Two months. Grabe nga siya eh. Right after he broke up with me, pinaglantaran niya sa friendster ang pic. nila nung girl na nakahiga at almost kissing. Sakit nun. Pero naka-recover din naman ako. Saka, duh! Mas pretty naman kaya ako dun sa girl. hehehe…

Me: If time would come na magkikita kayo ni X at gusto niya makipagbalikan sa iyo, will you accept him?

Jane: No. Siguro nagbago nga siya pero ayoko na sa kanya. Wala na akong maramdaman kahit ano for him. He’s just a part of the past.

Me: Bakit nga pala ganun ang ending mo for X?

Jane: Ayoko naman kasi ng revenge. Wala rin naman na akong mapapala. Ang tagal na noon. Though I want him to realize how much he lost. Kaya ganun ang ending.

Me: What’s with the painting?

Jane: Just a reminder. I want him to remember how much I loved him. That he could replace me but can’t find anyone who will love him the way I did. Na patay na patay ako sa kanya noon pero nang maghiwalay kami, maraming beses ko rin siyang paulit-ulit na pinatay sa utak ko.

Me: Bakit nga pala yung poem na “Ai” ang nilagay mo dun sa painting sa ending?

Jane: Kasi yun ang una at huling poem na ginawa ko para sa kanya. Yun din ang term of endearment namin. Ayoko na gumawa ng bagong poem for him and di ko na rin kayang mag-compose for him kasi. Isa pa, siya lang ang una at huli rin na tatawagin kong “Ai” ever. It’s my rule. Never use the same endearment for people who mean something to you. Kahit papaano naman kasi, he meant something to me before.

Me: Ano ang pinaka-mahalagang natutunan mo in your relationship with X?

Jane: Never fall for a guy who doesn’t have a vision of the future and doesn’t know the value of commitment. Si X kasi that time, di sineseryoso ang studies niya. Happy-go-lucky. Tapos pagdating sa relationship namin, di niya kayang mag-decide. He can’t take the lead in anything at all. Kaya nga when we broke up and I recovered, na-realize ko na ok lang pala na wala na kami. Kasi, darating din talaga kami doon with the kind of personality that he has. I could have changed him pero ayoko kasing baguhin ang isang tao for my sake. If he’ll change, he’ll do it for himself because he wants to and not because I asked him to.

Me: Tama ka dyan! Tapos na kwento ni X. So, kwento na ni Y ang isusunod ko sa blog?

Jane: Nope. Kay Z muna.

Me: Bakit?

Jane: Special request ng isang napaka-halagang tao. And ok na rin yun. Save the best story for last. Besides, nauna naman talaga si Z sa life ko.

Me: Kunsabagay… Sige unahin natin ang kwento ni Z.

Next: Start of Z’s story

Next Page »


Reminders

Announcement

 

November 2009
S M T W T F S
« Oct    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Visit my NEW Blog!

Get a dose of some great literary pieces. And, get some freebies too!

Her Maldita-ness' Shelf

FREE: "The Little Prince" ebook

Just Wondering…

Want more?

Vote for this blog

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This





Blog Catalog Readers

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Where are you from

Vital Statistics

My Popularity (by popuri.us)

readers online

link to e-commerce web site design page
powered by ecommerce website design firm.


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?

Track me at…

My Tweets

  • says Mabuhay Philippines! Manny Pacquiao makes us proud of being a Filipino. 21 hours ago
  • says Congratulations to Manny Pacquiao. Winner in 12th round by technical knock out. You made history again! 21 hours ago
  • is wondering who will win. Pacquiao or Cotto? 1 day ago
  • is eating special puto and kutsinta 1 day ago
  • is watching Notting Hill while drowning myself in C2 apple. Btw, i miss you too. 2 days ago