WARNING:
These are just suggestions. Walang sisihan, ok? hehehe…
For your ‘special someone’
* Helmet - para hindi ‘siya’ mauntog at matauhan (mwahahaha!)
* Piso - para sa walang kwenta mong ka-date na puro korni jokes ang alam (Bumili ka ng tatawa sa’yo! bwisit!)
* Mouthwash - para sa torpe mong manliligaw/mahiyain na nililigawan (Hoy, panis na laway mo! Magmumog ka na!)
- pwede rin sa iyong pamilya, kaibigan at officemates
* Motillum - para sa manliligaw mong abot-langit ang kayabangan (Dyspepsia lang yan. Uminom ka nang
matanggal ang hangin dyan sa katawan mo!)
- pwede rin sa iyong pamilya, kaibigan at officemates
* Martilyo - para sa manhid mong crush na di ramdam ang iyong existence (Pukpokin mo na sa ulo, tiyak tanggal kamnhidan niya! nyahahahaha…)
- para rin sa stalker or makulit mong manililigaw na di pa rin gets na ayaw mo sa kanya (Pukpokin mo na, siguradong iiwas na yan sa’yo! hahaha…)
* Chastity Belt - para sa bf mong mahilig mambabae (Pasalamat siya di mo pa tinapos ang maliligayang araw niya. hahahaha…)
* Salamin - para sa super-feeling mong manliligaw na mukha namang bisugo. (Akala mo lang gwapo ka. Pero hindi! HINDI! HINDI! Marami yatang namamatay sa maling akala noh!)
- pwede rin sa iyong pamilya, kaibigan at officemates
For your Family
* Enervon/Sustagen Prime - para sa mga kapatid mong nagiging ulyanin na (tsk! memory gap… haaay…)
- ideal for everyone too 
* Tsupon/Milk Bottle - para sa mga magulang mong tumatandang paurong (Because mommy and daddy are now babies… LOL!)
* Tape recorder - para sa mga magulang mong paulit-ulit na lang ang sermon (Kailangan pa bang i-memorize yaaan?!)
For Friends/Officemates/Classmates (ideal for everyone and anyone too)
* Gunting - para sa mahilig manguna mag-imbento ng mga kwentong barbero (Magkano paggupit? whahaha…) 
* Liquid Sosa - para sa laging barado sa mga kwentuhan (Awwww…)
* Lapis - para sa mahilig mag-’drowing’ pag may lakad (Sasama raw, di naman pala! Hmph!)
* Seatbelt - para sa mga di mapakali sa sariling upuan. Grabe sa kalikutan, tayo nang tayo, lakad nang lakad, at ikot nang ikot. (Natatae ka ba o may bulate ka sa pwet?!) 
* Strepsils - para sa saksakan ng daldal na wala nang ginawa buong hapon kundi magsalita (Ayan, malunok mo sana at mabulunan ka!)
* Self-portrait - para sa wala nang ginawa kundi magkwento lagi tungkol sa sarili niya (Dahil lagi ikaw na lang ang bida… KAUSAPIN MO SARILI MO!)
Recent Comments