Hmmm… Matagal ko nang gustong kunan ng picture ito pero kahapon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.
Ok. Di ko na sasabihin kung bakit naaliw ako sa sign na yan. Bahala na kayo mag-isip. Hehehe… :D

Blogging it with ATTITUDE
Hmmm… Matagal ko nang gustong kunan ng picture ito pero kahapon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.
Ok. Di ko na sasabihin kung bakit naaliw ako sa sign na yan. Bahala na kayo mag-isip. Hehehe… :D

When Mike Arroyo is no longer the First Gentleman,
he’s planning to turn
into a professional boxer…
His ring name will be…
“MONEY PAKYAW!”
(thanks Fr. Ching for this SMS!)
Nagpunta si Erap sa CBCP at galit na galit na nagrereklamo…
ERAP: Hanggang ngayon galit pa ang simbahan sa’kin! This is unfair!
Cardinal: Bakit mo naman nasabi yan?
ERAP: Mayroong Sabado de Gloria, Sagrado de Corazon, Domingo de Ramos. Bakit ako wala? Naging president din naman ako!
Cardinal: Sige, mula ngayon, sa iyo na ang ASS Wednesday!
Ayun naman pala eh… NYAHAHAHAHA!
Minsan nagkasama-sama sa iisang Italian restaurant ang mga dating pangulo… Naisipan ni GMA na manlibre.
Pres. GMA: Nagpapasalamat ako at nagkaroon tayo ng pagkakataon para makapagsama-sama. Shall we order? (tinawag ang waiter)
Tita Cory: I’ll just have a fetuccini
FVR: I’ll get spaghetti puttanesca
GMA: I’ll have spaghetti bolognese and tiramisu. Ano sa’yo Mr. Estrada?
ERAP: Ah… uhm…
Tita Cory: (napapahanga sa nakikitang ganda ng resto) Kakaiba talaga ang ambience dito.
ERAP: Alam ko na. Yun. Isang order ng ambience please.
WHAHAHAHA…!!!
_________________________________________
Anniversary ni Loi at ERAP. Naisipan nilang mag-celebrate sa isang steak house….
Waiter: (to Loi) How would you like your steak, madam?
Loi: Medium would be fine.
Waiter: (to ERAP) How about you, sir?
ERAP: (napakamot sa ulo sabay baling kay Loi) Hon, ano ba oorderin ko?
Loi: Mag-medium ka na lang
(Napaisip si ERAP na baka di kasya sa kanya ang order…)
ERAP: (to Waiter) Double XL na lang para sure.
NYEK!!!
WARNING:
These are just suggestions. Walang sisihan, ok? hehehe…
For your ’special someone’
* Helmet - para hindi ’siya’ mauntog at matauhan (mwahahaha!)
* Piso - para sa walang kwenta mong ka-date na puro korni jokes ang alam (Bumili ka ng tatawa sa’yo! bwisit!)
* Mouthwash - para sa torpe mong manliligaw/mahiyain na nililigawan (Hoy, panis na laway mo! Magmumog ka na!)
- pwede rin sa iyong pamilya, kaibigan at officemates
* Motillum - para sa manliligaw mong abot-langit ang kayabangan (Dyspepsia lang yan. Uminom ka nang![]()
matanggal ang hangin dyan sa katawan mo!)
- pwede rin sa iyong pamilya, kaibigan at officemates
* Martilyo - para sa manhid mong crush na di ramdam ang iyong existence (Pukpokin mo na sa ulo, tiyak tanggal kamnhidan niya! nyahahahaha…)
- para rin sa stalker or makulit mong manililigaw na di pa rin gets na ayaw mo sa kanya (Pukpokin mo na, siguradong iiwas na yan sa’yo! hahaha…)
* Chastity Belt - para sa bf mong mahilig mambabae (Pasalamat siya di mo pa tinapos ang maliligayang araw niya. hahahaha…)
* Salamin - para sa super-feeling mong manliligaw na mukha namang bisugo. (Akala mo lang gwapo ka. Pero hindi! HINDI! HINDI! Marami yatang namamatay sa maling akala noh!)![]()
- pwede rin sa iyong pamilya, kaibigan at officemates
For your Family
* Enervon/Sustagen Prime - para sa mga kapatid mong nagiging ulyanin na (tsk! memory gap… haaay…)
- ideal for everyone too 
* Tsupon/Milk Bottle - para sa mga magulang mong tumatandang paurong (Because mommy and daddy are now babies… LOL!)
* Tape recorder - para sa mga magulang mong paulit-ulit na lang ang sermon (Kailangan pa bang i-memorize yaaan?!)
For Friends/Officemates/Classmates (ideal for everyone and anyone too)
* Gunting - para sa mahilig manguna mag-imbento ng mga kwentong barbero (Magkano paggupit? whahaha…) 
* Liquid Sosa - para sa laging barado sa mga kwentuhan (Awwww…)
* Lapis - para sa mahilig mag-’drowing’ pag may lakad (Sasama raw, di naman pala! Hmph!)
* Seatbelt - para sa mga di mapakali sa sariling upuan. Grabe sa kalikutan, tayo nang tayo, lakad nang lakad, at ikot nang ikot. (Natatae ka ba o may bulate ka sa pwet?!) 
* Strepsils - para sa saksakan ng daldal na wala nang ginawa buong hapon kundi magsalita (Ayan, malunok mo sana at mabulunan ka!)
* Self-portrait - para sa wala nang ginawa kundi magkwento lagi tungkol sa sarili niya (Dahil lagi ikaw na lang ang bida… KAUSAPIN MO SARILI MO!)
Sa Langit…
Kasalukuyang nag-checheck ng attendance ng mga bagong dating si San Pedro nang lu
mapit sa kanya ang isang Tsinoy.
Tsinoy: Ano ito lugar?
San Pedro: Nasa langit ka. Bakit?
Tsinoy: Ano meron dun sa baba?
San Pedro: Yun ang impyerno.
Tsinoy: Paano punta dun?
San Pedro: Ha?! Bakit, may balak ka pumunta dun?
Tsinoy: Doon init. Ako tinda ice tubig. Ganda negosyo yun.
ACHECHE!
At home…
Kaaalis lang ni Jinggoy nang makita ni Erap ang nag-riring na cellphone ng anak sa sofa.
Erap (to self): Naku, naiwan na naman ni Jinggoy ang cel niya. Masabihan nga.
Kinuha ni Erap ang kanyang cel at…
Text message ni Erap sa cel ni Jinggoy: “Nak, balik k d2 naiwn mo cel mo d2 sa haus. C u.
“
Well… got this from a pet grooming salon in Pasig. Thanks RC for shooting it.

Tickle your minds folks. hahaha…
Recent Comments