Presenting the 2008 MMFF entries

Gaya ng nakagawian noong mga nagdaang taon, tuloy pa rin ang pagpapalabas ng Metro Manila Film Festival ng mga pelikulang sariling atin. Gayunpaman, sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng MMFF,  isang digital animation film ang napasama sa mga aabangang entries.

Para bigyan kayo ng patikim ng mga kalahok sa 34th Metro Manila Film Festival, hayaan n’yong bigyan ko kayo ng buod ng bawat pelikula… Unahin na natin ang digital animation film.

Anna and Buby of Dayo

Anna and Bubuy of Dayo

Pinamagatang Dayo, umiikot ang kwento sa pakikipagsapalaran ng batng si Bubuy (boses ni Nash Aguas) para masagip ang kanyang nawawalang lolo at lola mula sa mga kakaibang nilalang sa lupain ng Elementalia. Dito masasaksihan kung papaano harapin ng isang paslit ang kanyang mga takot at magawang pagtagumpayan ang bawat pagsubok. Bubuhayin din ng animation na ito ang mga Filipino mythological characters gaya ng tikbalang at manananggal.

Ang Dayo ay nilikha ng higit sa 500 artists nationwide. Ito ay produkto ng pagsasama ng 2D at 3D technologies sa ilalim ng pangangasiwa ng Toon Boom. Kung tutuusin muntik nang hindi makasali sa MMFF ang pelikulang ito. Salamat sa pagpupursige ng Cutting Edge Productions at nagawa pa nitong makahabol.

Dumako naman tayo sa nag-iisang horror entry. Ang Shake, Rattle and Roll X. Ayon sa Regal, mas magiging kakila-kilabot ang isang ito dahil sa  “fresh horrific stories” at “Hollywood-style visual effects” na ginamit sa bawat episode.

cast of Shake Rattle and Roll X

cast of Shake Rattle and Roll X

Gaya ng dati nahahati pa rin sa tatlo ang Shake, Rattle and Roll X . Una ang Emergency na pinagbidahan ni Mylene Dizon.  Ang kwento ay tungkol sa isang buntis na nasagasaan ng isang rumaragasang ambulansya. Nawala ang dinadala ng babae at dahil doon ay binalak niyang gumanti. Nagkataong hindi pala ordinaryong tao ang babaeng buntis kundi isang aswang. Kaya naman, isa-isang namamatay ang medical staff ng ospital.

Sa pangalawang episode naman na pinamagatang Class Picture  matutunghayan si Jean Garcia bilang isang madre na isinumpa ang class picture ng kanyang section noong 1898. Natuklasan ito ni Joy (Kim Chiu) habang naghahanda ng isang exhibit. Sa larawan, nasa gitna ang madre habang may limang estudyante sa kanyang kanan at dalawa lamang sa kanyang kaliwa. Kailangan niyang pumatay ng tatlo upang mabalanse ang larawan. Sa pamamagitan noon ay matutupad ng madre ang kanyang pangako sa Mother Superior na makukumpleto ang kanyang klase.

Tampok naman sa huling episode na Engkanto si Marian Rivera bilang si Nieves, ang sikat na Engkanto Slayer sa kanilang baryo. nang magkaroon ng mga di-maipaliwang na mga pag-atake sa kanilang lugar, nakipagsanib-puwersa siya sa iba pang slayers para mailigtas ang kanyang mga kababayan.

Hindi makukumpleto ang  MMFF kung walang mga entries sa drama at comedy. Kaya eto na sila…

AiAi delas Alas as Ina

AiAi delas Alas as Ina

Mula sa Star Cinema, muling nagbabalik ang kinagigiliwang Ina ng bayan, si AiAi  delas Alas sa pelikulang Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Sa pagkakataong ito lalong sasakit ang tiyan ninyo sa kakatawa dahil pati Malacañang ay papasukin na ni Ina. Sa kwento, pumasok bilang chambermaids sa palasyo si Ina at ang kaibigan niya hanggang di-sinasadyang matuklasan nila isang araw ang plano sa buhay ng pangulo. Dahil doon, natagpuan na lamang ni Ina ang sarili sa makapangyarihang posisyon sa bansa.

Tito, Vic and Joey in Iskul Bukol

Tito, Vic and Joey in Iskul Bukol

Miss nyo na ba ang Escalera brothers? Well, reunion movie ito nina Tito, Vic and Joey matapos ang halos dalawang dekada na hindi pagsasama-sama sa pelikula. Ang Iskul Bukol: 20 years after. Magsisimula kakatuwang adventures nang may matuklasan si Vic Ungasis (Vic Sotto), History professor sa Wanbol University, na misteryo sa Kali ni Humabon at Kampilan ni Lapu-Lapu. Nagkataong ang Kampilan ay nnasa kamay ng mayamang Hapon na si Shimata na may interes sa Peseta (parte ng Judas’ silver na nagbibigay ng walang hanggang buhay sa sinuman mag-may ari nito). Napag-alaman ni Victor na kapag pinagsama ang Kali at Kampilan ay ituturo ng mga ito ang direksyon kung nasaan ang peseta. Nang magtungo si Victor sa Cambodia, lalong dumami ang mga bagay at misteryong kanyang natuklasan sa peseta. Hanggang sa ang mga buhul-buhol na sitwasyon ay naiugnay na rin sa pagtatago ng Escalera brothers kay Shimata. At sama-sama nila hinarap ang mapanganib na paghahanap sa peseta.

Kung nagbalik ang Escalera brothers at si Ina, nagbabalik din ang mga nagagandahang kababaihan, ang Desperadas 2. Ngunit ngayon may nadagdag sa grupo. si Ogie Alcasid! Gaya ng dati, halos ganoon pa rin ang sitwasyon ng mga

Main characters of Desperadas 2

Main characters of Desperadas 2

bida. Yun nga lang, si Courtney (Marian Rivera) ay nagkakaroon ng dilemma kung dapat ba siyang magbuntis o ipagpatuloy ang kanyang fashion career. Habang si Patricia (Rufa Mae Quinto) naman ay naniniwalang natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ng isang gwapong congressman. Makulay pa rin ang buhay ng apat at lalo pa itong naging makulay ng dumating sa eksena ang matagal na nilang nawawalang kapatid si Luga Luda (Ogie Alcasid). Abangan kung papaano nila tatanggapin ang mga pangyayari.

Magtungo naman tayo sa drama. Kung pambato ng Desperadas 2 ang nagagandahan nilang mga bida, hindi naman papahuli ang One Night Only. Tampok sa pelikulang ito ang mga kaakit-akit na bituin na sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Jennylyn Mercado at Alessandra da Rossi. Magkakaiba ang kwento ng limang bida ngunit lahat ay may koneksyon sa isa’t isa. Magtatagpi-tagpi ang mga ito nang mauwi silang lahat sa iisang lugar- ang Lover’s Hideaway motel. Gumanap si Katrina H. bilang Jasmine, isang

Main characters of One Night Only

Main characters of One Night Only

babaeng mukhang pera na nagbabalak mangibang-bansa kasama ang kanyang Chinese boyfriend. Si Alessandra dR. naman ay gumanap bilang si Angela, isang extra sa pelikula na pinagnanasaan ng isang hunk actor na si Diego. Samantala, si Valerie C. naman bilang Vicky ay nais muling maka-date ni Pons ang kaibigan ni Diego. Ngunit, dahil pinagsisihan ni Vivian (Diana Z.) ang di pagsama noon kay Pons, balak niyang gumawa ng paraan para muli itong makasama. Sa kabilang banda, sa set ng pelikulang pag-eextrahan ni Angela, naroroon si Elvie (Jennylyn M.). Sa gabing yun, makikipaghiwalay sa kanya ang  ka-relasyong tomboy na supervisor ng mga talents. Sa loob ng 12 oras, maraming mangyayari sa mga bida na tatak nang husto sa kanilang utak at pagkatao.

Sa pelikulang Magkaibigan ay muli nating masasaksihan kung papaano bihagin ni Sen. Jinggoy Estrada ang puso ng

Main characters of Magkaibigan

Main characters of Magkaibigan

mga manonood sa kanyang pag-arte. Base sa kwento ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez, ang pelikula ay tungkol sa pagkakaibigan nina Atoy (Christopher de Leon) at Ruben (Jinggoy Estrada). Mula pagkabata ay malapit na sa isa’t isa ang dalawang magkaibigan at walang nagbago doon hanngang sa sila’y magkapamilya. Dumating ang pinaka-matinding paghamon sa kanila nang malamang may pancreatic cancer si Atoy.

Anne Curtis and Jericho Rosales of Baler

Anne Curtis and Jericho Rosales of Baler

Inspired ng makasaysayang Siege of Baler, ang pelikulang Baler ay tungkol sa pag-iibigan ng isang dalagang Filipina na nagngangalang Feliza Reyes (Anne Curtis) at ng sundalong Spanish-Filipino na si Celso Ressurrecion (Jericho Rosales). Naging lihim ang pag-iibigan ng dalawa dahil anak si Feliza ng pinuno ng mga rebelde ng mga panahong iyon. Gayunpaman, nanatiling matatag ang pagmamahalan ng dalawa at dumating sa punto na iniwan ni Celso ang mga kasamahang sundalo para lamang makapiling si Feliza. Ang kwentong ito ay magpapaalala rin sa atin sa mga kaganapan sa kasaysayan ng bansa.

Tunay ngang natatangi ang Metro Manila Film Festival sa taong ito. Di gaya ng dati, lahat ng mga pelikula ay sabay-sabay na ipapalabas sa mga sinehan sa Disyembre 25. Samantala, magaganap naman ang awarding ceremonies sa Disyembre 27, sa Harbor Garden Tent, Sofitel Phil. Plaza.

Sources: MMFF micro-site (http://www.pep.ph/mmff/index.html) and Dayo official site (http://www.dayomovie.com)

About these ads

2 Responses to “Presenting the 2008 MMFF entries”


  1. 1 emperorbananaketchup December 18, 2008 at 3:48 pm

    For me, only Dayo looks bearable enough to watch.

    I’ve had enough of these nonsensical MMFF crap which tend to showcase the good looks of the “genetically gifted” (we’re talking about you, Marian Rivera, Will DeVaughn, Gerald “Pam” Anderson and Anne Curtis).

    Now I know why Marky Cielo took his own life…what showbiz chances does a proud Igorot have in an industry which favours the fair-skinned (even if they cannot carry a sentence of Tagalog without buckling)

  2. 2 yeah December 27, 2008 at 5:57 pm

    ..NPANOOD Q NA TANGIN INA..
    ..GANDA..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




December 2008
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Follow Her MALDITA-ness on WordPress.com

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 147 other followers

Want more?

Archives

Follow Me

add me on facebook
ask me on formspring
follow me on twitter

My Tweets

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This

Where are you from

Blog Stats

  • 268,029 hits

Vital Statistics

readers online


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 147 other followers