Alamat ng Gubat: Kwentong Pambata na Pang-matanda

May mga panahong nakaka-miss yung mga fairytale books. Yun bang parang gusto mong bumalik sa childhood days mo. Pero, alam mo namang ang pangit tignan at super dyahe na magbasa ka pa ng mga ganun. Gayunpaman, may isang mala-pambatang libro na makita ka man na binabasa ito, tiyak pang ipagmamalaki mo.

Ang “Alamat ng Gubat” ni Bob Ong ay talaga namang kakaiba sa lahat ng mga libro niya. Nang makita ko nga ito at mabasa ang back cover nasabi ko sa sarili ko, “Ano na naman kayang tumatakbo sa isip nito ni Bob Ong at napag-tripan gumawa ng ganitong libro?”

Alamat ng Gubat ni Bob Ong

Akala ko pag bukas ko ng libro at pagkakita sa unang pahina ay alamat nga talaga ito. May graphics ba naman kasi at nagsimula pa tungkol sa sirena. Ang kulit, di ba? Sabi ko na naman, grabe talaga ito si Bon Ong… Isipin mo, nagsusulat na pala siya ng alamat! ASTIG! BIG TAAAAAYM! Pero, MALI!

Hindi pala ito isang alamat gaya ng mga Kwento ni Lola Basyang o kung sino pa man na matanda. Higit pa pala ito sa iniisip ko.

Sinasalamin ng “Alamat ng Gubat” ang iba’t ibang klaseng tao sa lipunan. Bagaman parang may pagka-pambata nga hitsura, hindi rin naman nawala ang istilo ni Bob Ong sa paglalahad ng kwento. Naroroon pa rin ang ironic at mocking tone niya. At, kung mapapansin n’yo nga, ang tinagurian niyang alamat ay isa palang satire na naka-disguise lamang.

Napaka-impressive talaga ang obrang ito ni Ong. Akalain mong ang bawat hayop ay mayroong sinisimbulo. At, dahil maldita nga ako, bibigyan ko kayo nang konting spoiler…

Ang kabataan ang sinisimbulo ng bidang si Tong. hehehe…

Well, at least hindi ko sinabi kung paano nagtapos ang pakikipagsapalaran ni Tong para makakuha ng puso ng saging. Kaya naman if I were you, hanap na kayo ng kopya nyo. Di kayo ma-bobored sa libro na ito at I’m sure matatapos nyo siya in one sitting lang. Garantisadong mag-eenjoy pa kayo sa kwento pati na rin sa mga makukulay na larawan sa mga pahina.

Feeling young ulit di ba?

11 Responses to “Alamat ng Gubat: Kwentong Pambata na Pang-matanda”


  1. 1 tuper March 23, 2008 at 4:42 pm

    ganda ng buk na 2,,grave?! tawa ako ng tawa sa gitna ng kLase,hahaha?!!!! add nio naman ako sa friendster?! khamazu@yahoo.com..
    tnx to all sna mdame pa libro c bob ong?!

  2. 2 kylah sarrelle July 30, 2008 at 1:53 pm

    ALAMAT NG PINYA
    alamat pinya
    Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat.

    Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay “maliit pa naman si Pina.” Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang.

    Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa’y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa.

    Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. “Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit?” ang tanong ni Pina. “Ewan ko nga ba,” ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait sapagkat ito’y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siya’y napagsilbihan ng anak.

    Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina.

    Isang umaga, si Pina’y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. “Saan kaya naroroon ang sandok?” ang sambit nito.

    “Hanapin mo, naririyan lamang yan,” ang sagot ng ina.

    “Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!” ang muling sabi ng anak.

    “Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga,” ang sabi naman ng ina.

    “Marami naman kayong sinisermon pa” ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.

    Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita.

    Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga sandaling iyon.

  3. 4 kylah sarrelle July 30, 2008 at 1:54 pm

    hehehe miz kac unununumun

  4. 5 kylah sarrelle July 30, 2008 at 1:55 pm

    ewannnnnnnnnnn pang pnag

  5. 6 ELIment October 28, 2008 at 8:02 am

    mayroon ako ng book ni bob ong yong skinless longanisa…okay din sya. hmmm..makabili nga din nito.

  6. 7 princess July 12, 2009 at 8:27 am

    hmmmm maganda ang kwento ng alamat……hehe

  7. 9 desiree August 29, 2009 at 12:35 pm

    sobrang ganda ng story……….

  8. 10 sweet September 4, 2009 at 9:02 am

    nyc.!but you need to comprehend…

  9. 11 vhonne September 20, 2009 at 1:57 am

    hehehe.. nabasa ko din yan.. at lahat ng books ni Bob Ong… hanggang ngaun..alagang alaga p rin ung mga books ko dito.. tapos… ung mga kapatid ko.. sila naman ang nagbabasa… tapos.. sineshare din nila sa mga pinsan namin at mga classmates…

    awa ng Diyos… kumpleto ako ng books nya… pero 5 na lang ang andito sa bahay.. ung 2.. ndi pa naibabalik ng humiram.. nyak…


Leave a Reply




Reminders

Announcement

 

January 2008
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Visit my NEW Blog!

Get a dose of some great literary pieces. And, get some freebies too!

Her Maldita-ness' Shelf

FREE: "The Little Prince" ebook

Just Wondering…

Want more?

Vote for this blog

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Who is Reading This





Blog Catalog Readers

View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile View My Profile

Where are you from

Vital Statistics

My Popularity (by popuri.us)

readers online

link to e-commerce web site design page
powered by ecommerce website design firm.


My blog is worth $14,678.04.
How much is your blog worth?

Track me at…

My Tweets

  • is broke. :( awwww... 7 minutes ago
  • is head-over-heels in love with a guy named Mike and DARN! he doesn't know it! Kainis! 23 hours ago
  • is so full. My cuz's spaghetti and chicken are just great. Yummy! 1 day ago
  • is enjoying a quiet Sunday night. 1 day ago
  • says Paranormal Activity is such a scary movie. It bored me to death! 2 days ago