May mga panahong nakaka-miss yung mga fairytale books. Yun bang parang gusto mong bumalik sa childhood days mo. Pero, alam mo namang ang pangit tignan at super dyahe na magbasa ka pa ng mga ganun. Gayunpaman, may isang mala-pambatang libro na makita ka man na binabasa ito, tiyak pang ipagmamalaki mo.
Ang “Alamat ng Gubat” ni Bob Ong ay talaga namang kakaiba sa lahat ng mga libro niya. Nang makita ko nga ito at mabasa ang back cover nasabi ko sa sarili ko, “Ano na naman kayang tumatakbo sa isip nito ni Bob Ong at napag-tripan gumawa ng ganitong libro?”

Akala ko pag bukas ko ng libro at pagkakita sa unang pahina ay alamat nga talaga ito. May graphics ba naman kasi at nagsimula pa tungkol sa sirena. Ang kulit, di ba? Sabi ko na naman, grabe talaga ito si Bon Ong… Isipin mo, nagsusulat na pala siya ng alamat! ASTIG! BIG TAAAAAYM! Pero, MALI!
Hindi pala ito isang alamat gaya ng mga Kwento ni Lola Basyang o kung sino pa man na matanda. Higit pa pala ito sa iniisip ko.
Sinasalamin ng “Alamat ng Gubat” ang iba’t ibang klaseng tao sa lipunan. Bagaman parang may pagka-pambata nga hitsura, hindi rin naman nawala ang istilo ni Bob Ong sa paglalahad ng kwento. Naroroon pa rin ang ironic at mocking tone niya. At, kung mapapansin n’yo nga, ang tinagurian niyang alamat ay isa palang satire na naka-disguise lamang.
Napaka-impressive talaga ang obrang ito ni Ong. Akalain mong ang bawat hayop ay mayroong sinisimbulo. At, dahil maldita nga ako, bibigyan ko kayo nang konting spoiler…
Ang kabataan ang sinisimbulo ng bidang si Tong. hehehe…
Well, at least hindi ko sinabi kung paano nagtapos ang pakikipagsapalaran ni Tong para makakuha ng puso ng saging. Kaya naman if I were you, hanap na kayo ng kopya nyo. Di kayo ma-bobored sa libro na ito at I’m sure matatapos nyo siya in one sitting lang. Garantisadong mag-eenjoy pa kayo sa kwento pati na rin sa mga makukulay na larawan sa mga pahina.
Feeling young ulit di ba?






















Recent Comments